Sunday , October 13 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mag-amang Mayor at Rep. Oscar Garin certified ‘bully’

HINDI pa nakaaalpas sa sindak ang sambayanan sa isang menor de edad na Atenistang bully, heto na naman — mag-amang ibinoto ng tao sa Iloilo para maging alkalde at kongresista nila pero ang ginawa mambugbog at manutok ng baril sa isang walang kalaban-labang pulis.

‘Yan ang mag-amang Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin Sr., at  Rep. Oscar Richard S. Garin, Jr.

Kung hindi nagkalakas ng loob ang biktimang si PO3 Federico Macaya, Jr., na magreklamo at kung walang bayag ang PNP chief na si Director General Oscar Albayalde, baka hindi na mabun­yag ang ‘katapangan’ ng mag-amang Garin.

‘Yung nga lang, ang tapang nila ay mukhang inarbor lang sa kanilang mga baril at amoy ng pulbura mula sa bala. Kapag wala ang dalawang ‘yan sa kanilang piling hindi natin alam kung gaano pa sila katapang.

Sonabagan!

Aba, nang mabuyangyang ang kanilang pang-aabuso at pagmamalupit sa pulis, e mabilis pa sa alas-kuwatrong humingi ng ‘sorry.’

Hindi lang natin alam kung totoo sa loob nila ang paghingi ng sorry. O baka gusto lang humamig ng simpatiya. Kaya raw nila nagawa iyon dahil hindi sinunod ng pulis ang kanilang utos na sampahan ng kaso ang isang konsehal.

Sakali mang may pagkukulang talaga si Macaya, ano naman ang karapatan ng mag-amang Garin na posasan siya, bugbugin siya at tutukan ng baril?!

Gusto tuloy natin tanungin kung itong mag-amang Garin ay nuno o kamag-anak ng Atenistang bully na isang menor-de-edad na Taekwondo champion or belter daw pero hindi alam kung ano ang prinsipyo ng martial arts.

O baka naman schoolmates sila?!

Pero wala tayong makitang online profile ni senior at ni onyok maliban kay dating Health Secretary Janette Garin na ang daming aral ang ginawa pero hindi yata nai-share sa kanyang biyenan at esposo.

Tsk tsk tsk…

Sa pinakahuling balita, nahaharap raw sa patong-patong na kaso ang mag-ama bukod pa sa tinanggalan sila ng PNP ng karapatang mag-ari o magdala ng baril kaya kailangan nilang isuko ang mga baril na pinaghihiraman nila ng tapang.

Mabuti naman at kinansela na ng PNP ang kanilang Permits to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR) at ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ng dalawang Garin.

Kabilang sa mga kasong isinampa ni S/Supt. Marlon Tayaba, Iloilo police director, ang apat na kasong administratibo laban sa mag-ama na grave misconduct, conduct unbecoming, oppression, abuse of authority, at conduct prejudicial to the best interest of the public.

Bukod diyan, nahaharap din sila sa pitong kasong kriminal na direct assault, grave coercion, grave threats, physical injuries, slander by deeds, serious illegal detention, at alarm and scandal.

Natuklasan din na planado ang pambu­bugbog dahil inutusan ni onyok ang isa niyang bodyguard na i-turn-off ang security camera sa lugar na pinagposasan niya sa pulis bago niya bugbugin sa plaza.

Wattafak!

Kawawa naman ang mga botanteng nagoyo ng mag-amang Garin na bumoto sa kanila…

Wish natin na sana’y huwag lumamig ang isyung ito at sana’y tutukan ng PNP para mabigyan ng aral ang mga abusadong politiko.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *