Saturday , October 12 2024
Angkas

Angkas gawing legal — solons

DALAWANG mamba­batas ang humihirit na gawing legal ang opera­s-yon ng “Angkas” mata­pos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa operasyon nito.

Ayon kay Rep. Wins­ton Castelo, ang chair­man ng Congressional Committee on Metro Manila Development, sana’y mapagtanto ng Korte Suprema ang kahalagahan ng “Ang­kas” sa milyones na com­muters na tumatangkilik dito.

“We hope that the Supreme Court will realize that the issuance of the TRO that effectively prevents Angkas to operate will greatly affect the Filipino commuters, especially considering that thousands of commuters direly need the service during the holiday season,” ani Castelo.

Ani Castelo, ang Angkas ay nagbigay ng alternatibong trans­por­tasyon sa mga Filipino na nahaharap sa araw-araw na matinding trafik lalo sa Metro Manila.

“Angkas provided an alternative to commuters, addressing a gap by the public transportation system. It has proven to be an affordable, reliable, and safe mode of trans­portation,” giit ni Castelo.

Binatikos ni Castelo ang LTFRB at ang DOTr sa pagbalewala sa utos ng komite niya na isama ang motorcycle taxis sa ka­nilang department order para makapag-operate.

Ayon kay Rep. Cristal Bagatsing ng Maynila, binawian ng disenteng trabaho ng TRO ang 25,000 motorcycle riders sabay ang pagkawala ng masasakyan ng libo-libong mananakay sa aniya’y “fastest and most convenient mode of transportation available in the busy city streets.”

Ang isyu, ani Bagat­sing, ang 54- taong batas na nagbabawal dito.

“Regulation, not prohibition, is the answer— as informal motorcycle colorums are already the main transportation choice of thousands of commuters, even before Angkas,” ayon kay Bagatsing.

Sa panig ni Rep. Rodel Batocabe ng Ako Bicol, sinabi niyang nawalan ng mura at mabilis na transportasyon ang mga ordinaryong commuter sa bansa.

“The SC TRO does not consider the marginalized sectors of society who not only rely on Angkas for an affordable yet efficient transport service but also rely on the platform for livelihood, which can be really inconvenient and painful especially this Christmas season,” ani Batocabe.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Francis Tol Tolentino Bacoor Cavite

Para sa mga liblib na lugar  
INTERNET SERVICES COOPERATIVE TARGET NI TOLENTINO

NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection …

101224 Hataw Frontpage

Terminasyon ng 50% kontrata ng Solar Ph tiniyak ng DOE

INIHAYAG ng Department of Energy (DOE) ang terminasyon ng 21 o kalahati ng kabuuang 42 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *