Tuesday , October 26 2021

Road rager na naka-“8” FJ Cruiser tugisin — Andaya (PNP, LTO dapat kumilos)

DAPAT kumilos ang Philippine National Police (PNP) at ang Land Transportation Office (LTO) para hanapin kung sino ang sangkot sa insidente ng road rage, imbuwelto ang isang FJ Cruiser na may plakang “8.”

Ayon kay House majority leader Rolando Andaya III maraming mga kongresista ang nanawagan sa liderato ng Kamara na hanapin kung sino ang taong sangkot dito.

“There are calls, many angry, from congressmen, for us to officially ask the proper authorities to identify the driver, the ownership of the car, and the authenticity and provenance of the protocol plate,” ani Andaya.

Pero, aniya, ang LTO at PNP ay maaaring kumilos dito kahit walang request mula sa Kamara.

“Motu proprio, ora mismo hindi na kailangan ng request mula sa atin,” dagdag ni Andaya.

“Ang socmed (social media) chatter ay plaka pa ng nakaraang Congress, 16th Congress, expired na. Such des­picable behaviour on the road gives the House a bad name. There is no excuse for that.  Hindi amulet or anting-anting para gumawa nang hindi tama ang anomang protocol plate,” giit ni Andaya.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur

NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang …

Sekyu natagpuang patay sa tabi ng sariling boga

INIIMBESTIGAHAN ng mga elemento ng Taguig City Police ang pagkamatay ng isang guwardiyang natag­puang duguan …

shabu drug arrest

P3.4-M shabu kompiskado
DELIVERY DRIVER TIMBOG

AABOT sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang delivery …

Gun Spikes Tactical Apopka FL USA

Chinese national, Pinoy arestado sa gun-running

NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang Chinese national at kasabwat nitong Pinoy sa pagbebenta ng …

Drug den sinalakay ng PDEA, 7 timbog (Sa Angeles City, Pampanga)

Sa Angeles City, Pampanga
DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 7 TIMBOG

SINALAKAY ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon ang isang pinaniniwalaang drug den, na …

Leave a Reply