Wednesday , August 17 2022

‘Deadlock’ sa cash-based hahantong sa reenacted 2019 national budget

KUNG hindi magkaka­sundo at humantong sa deadlock ang Kamara at ang Department of Budget and Management (DBM) sa paggamit ng pondo ng gobyerno na tinaguriang “cash-based” budgeting, maaaring magresulta ito ng reenacted budget sa 2019.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman patungo na sa “impasse” ang DBM at Kamara sa is­yung ito.

Ani Lagman, ang mga miyembro ng Kama­r­a ay laban sa bagong pa­ta­karan na gustong mang­­yari ni Budget Secretary Benjamin Diok­no.

Nagdulot ito ng malaking pagbabawas sa budget ng mga ahensiya ng gobyerno, ayon kay Lagman.

Sinuspende ng Kama­ra ang pagdinig sa 2019 Budget na isinumite ng Malacañang sa Kama­ra at ito’y nagbabadya ng re­enacted budget sa susu­nod na taon.

Sa ilalim ng “cash-based budgeting”  ang mga proyekto at progra­ma na puwedeng tapusin sa isang taon ang popon­dohan ng gobyerno.

Sa ilalim ng “obli­gation-based budgeting” ang mga proyekto at programa ay maaaring pondohan ng gobyerno kahit lumagpas nang isang taon at babayaran ito kapag natapos.

Sa isang pagpupu­long na ipinatawag ng liderato ng Kamara, ang mga kongresista sa opo­sisyon at sa magkakai­bang partido ay nagsa­ma­sama sa pagtutol sa “cash-based budgeting” ni Diokno.

Ani Lagman, ang bagong innovation ay walang legal na basehan.

May ipinapaikot na resolusyon sa Kamara ngayon para hilingin sa Senado na ibalik sa Ka­ma­­ra ang budget reform bill upang baguhin ito.

Itinanggi ni House Majority Leader Rep. Ro­lando Andaya, na may­roong ‘impasse’ sa deli­berasyon.

Nagtawag aniya sila ng break para makipag-usap kay Pangulong Ro­drigo Duterte at magka­roon ng malinaw na sen­yales sa isyung ito.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Kelot na tulak arestado P40-K SHABU NASABAT SA CALAMBA, LAGUNA

Kelot na tulak arestado
P40-K SHABU NASABAT SA CALAMBA, LAGUNA

ARESTADO ang isang lalaking nasamsaman ng higit sa P40,000 halaga ng hinihinalang shabu nitong Lunes …

shabu drug arrest

Nabuking sa palusot na shabu
2 TULAK TIKLO SA BULACAN

BIGO ang dalawang pinaniniwalaang notoryus na tulak na mailusot ang ibibiyahe sana nilang shabu nang …

Joel Villanueva Bulacan

 “Ituro at ikuwento sa ating mga anak ang mayamang kasaysayan ng Bulacan.” – Sen. Villanueva

HINIKAYAT ni Senate Majority Floor Leader Senator Joel Villanueva ang mga Bulakenyo na ipasa sa …

Matthew Baccay Cesar Pasiwen Bulacan PNP PRO3

P/BGen. Pasiwen itinalaga na bilang Central Luzon Top Cop

IPINAUBAYA na ni P/BGen. Matthew Baccay ang kanyang puwesto kay P/BGen. Cesar Pasiwen nitong Martes, …

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Leave a Reply