Monday , May 29 2023
Rodrigo Duterte, Covid-19 Vaccinie

‘Go signal’ sa gen pop vaccination inilarga ni Digong

BINIGYAN ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna kontra CoVid-19 sa general population simula Oktubre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magaganap ito dahil inaasahan ang pagdating sa bansa ng maraming supply ng bakuna sa mga susunod na araw.

“Ang good news, inaprobahan ni Presidente ang pagbabakuna ng general population simula po sa buwan ng Oktubre,” ani Roque sa Malacañang virtual press briefing kahapon.

Nanawagan si Roque sa mga magulang na ipalista ang kanilang mga anak upang makabuo na ng masterlist ang pamahalaan at magiging madali na ang pagbabakuna.

Ngunit nanatiling prayoridada aniya sa pagbabakuna ang mga nasa A1 list o ang healthcare workers, A2 o ang mga senior citizen at ang A3 o person with comorbidities.

Mayroon pa rin aniyang express lane sa vaccination sites para sa mga napabilang sa priority list.

Sa ‘Talk to the People’ ng Pangulo kamakalawa ng gabi, sinabi niyang base sa report ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., halos 100 milyong doses ng bakuna ang makukuha ng Filipinas sa  katapusan ng Oktubre.

“According to Secretary Galvez, we will get a total of at least 100 million doses by the end of October, which means that maybe we can expand the vaccination program to the general population and hopefully also our children within October. Also, we continue to ramp up our vaccination drive and [we] are targeting to administer around a total of 55 million vaccines by October,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, 44 milyong katao na ang bakunado sa bansa. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

052923 Hataw Frontpage

Sa gitna ng malakas na ulan
NURSE NG BAYAN PATAY SA TAMBANG, ASAWA KRITIKAL

PATAY ang isang pampublikong nars habang kritikal ang kanyang asawa matapos tambangan sa gitna ng …

Pia Cayetano 2023 World No Tobacco Day Award

Wagi sa WHO 2023 World No Tobacco Day Award,
SEN. PIA CAYETANO IPINAGMALAKI NG TAGUIG CITY

BINATI ng City of Taguig si Senator Pia Cayetano sa pagkakapanalo sa World Health Organization …

DOH

Kontrobersiyal na Health official
‘DR. TROUBLEMAKER’ IMBESTIGAHAN NG DOH

HINILING ng grupo ng mga aktibo at retiradong kawani ng Department of Health (DOH) na …

Mr DIY Kramers

MR.DIY introduces Team Kramer as new brand ambassadors

Doug, Cheska, Kendra, Scarlett and Gavin are the new faces of MR.DIY in its ‘Family …