Tuesday , February 7 2023
Maria Ressa, Nobel Peace Prize

Palasyo tameme sa Nobel Peace Prize ni Maria Ressa

WALANG kibo ang Malacañang sa pag­gawad ng 2021 Nobel Peace Prize kay Rappler CEO Maria Ressa sa kabila ng papuri sa kanya ni US President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., at ng iba’t ibang grupo at personalidad sa loob at labas ng bansa.

Si Ressa ang kauna-unahang Filipino na nakasungkit ng presti­hiyosong Nobel Peace Prize kasabay ni Russin journalist Dmitry Muratov bilang mga mamama­hayag na nanindigan para sa freedom of expression.

Matatandaang naging paboritong atakehin ni Duterte ang Rappler dahil kritikal sa kanyang administrasyon.

Sa isang kalatas, inihayag ni US President Biden ang pagbati sa masugid at walang takot na pagpupursigi nina Ressa at Muratov sa paghiling ng transparency, at paglaban sa pag-abuso sa kapang­yarihan, at korupsiyon.

Kung tameme ang Malacañang, ang Kremlin ay nagpahayag na welcome sa kanila ang karangalan na ipinag­kaloob kay Muratov.

“We can congratulate Dmitry Muratov,” sabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov sa mga mamamahayag sa ulat ng Reuterrs.

“He persistently works in accordance with his own ideals, he is devoted to them, he is talented, he is brave.”

Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sina Ressa at Muratov sa pagtatanggol sa kalayaan sa kabila ng sinagupang maraming hamon.

“We commend them for defending these freedoms in increasingly challenging conditions — in Ressa’s case, these [have] included a raft of cases and legal proceedings — and are proud to be in the community of independent journalists ready to hold the line with them,” sabi ng NUJP.

“We hope this award will shine more light on those who put the spotlight on the truth at a time when basic freedoms and democracy are under attack.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Minahan ng apog sa Danao, Cebu gumuho
PASTOLERA NG BABOY NATABUNAN, PATAY

PATAY ang isang 46-anyos babaeng nagpapastol ng mga alagang baboy nang gumuho ang minahan ng …

baby old hand

Natagpuan sa landfill
BABY BOY IKINAHON SA STYROBOX

WALA nang buhay nang matagpuan ng isang scavenger ang isang bagong silang na sanggol na …

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil 2

Sa marahas na police dispersal sa Sibuyan
2 KALAHOK SA HUMAN BARRICADE VS ILLEGAL MINING SUGATAN

SUGATAN ang dalawang lumahok sa barikada kontra ilegal na pagmimina na binuo ng mga residente …

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

MATAPOS magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at mga residente ng Isla ng …

Bulacan Police PNP

11 pasaway sa Bulacan nalambat

MAGKAKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na pawang may paglabag sa batas …