Friday , October 4 2024

Albri’s Food Philippines Inc., nagbabayad ba ng tamang excise tax?

KAPADO ba talaga ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang operasyon ng Albri’s Food Philippines Inc.?

Nagbabayad ba ng buwis ang Albri’s nang dapat at sapat, alinsunod sa kategorya ng kanilang negosyo at/o produkto sa BIR?!

Naitatanong natin ito, dahil mukhang bulag ang

BIR sa operasyon ng Albri’s na kailan lang ay nasunog ang warehouse sa California Village, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Masyadong misteryoso at kontrobersiyal ang pagkasunog ng nasabing warehouse dahil sa narinig na pagsabog at pagkakatuklas ng imported isotainers ng alcohol pagkatapos ng sunog.

Kaya nga ang tanong, imported ba ang mga alcohol na nasa warehouse ng Albri’s?

Kung imported ang alcohol, nagbabayad ba sila ng tamang excise, ad valorem, VAT at iba pang uri ng buwis?!

Itinatakda ng batas na ang pagpoproseo ay dapat na ginagawa sa isang distillery plant na nasa ilalim ng kondukta at sinasaksihan ng Revenue Officer On-Premise (ROOP) na nakatalaga sa tinukoy na planta.

Kailangang saksihan ito ng ROOP dahil ang lahat ng pagbili ng denatured alcohol mula sa source o supplier na distillery plant ay kinakailangang sinusuportahan ng Excise Tax Removal Declaration (ETRD).

Ang mga kliyente ba ng Albri’s na Unilever Philippines, Philusa Corporation, Telstar Manufacturing Corp., Pagoda Philippines Inc., Kohl Industries, Green Cross Inc., at Splash Corporation ay napapatawan din ba ng tamang excise tax base sa produkto o kemikal na binibili nila sa Albri’s?

QC BPLO chief, Gary Domingo, aba tulungan naman ninyo ang BIR natin sa kasong ito ng Albri’s.

Wala ba kayong alam diyan o talagang ayaw ninyong malaman?!

E bakit nga?!

Paging BIR RDO 28!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *