Sunday , October 13 2024

Iba ang diskarte ng tatlong pulis ng MPD-TEU

MATAGAL na palang putok na putok sa bawat sulok ng tanggahan ‘este tanggapan ng Manila Police District Tara-fix ‘este Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) ang pamamayagpag ng tatlong pulis na naka-assign doon.

Base sa mga reklamo at sumbong na ating natanggap, tila parang ‘palitaw’ ang tatlong opisyal ng MPD-TEU dahil kung magtrabaho ay may sarili silang oras at diskarte!?

Hindi nga nakapagtataka kung bakit ma­tindi pa rin ang pagsikip ng trapiko lalo ngayong kapaskuhan sa Maynila.

Ang siste, imbes magmando ng daloy ng trapiko 24/7 sa lansangan ng Maynila ‘e iba raw ang kanilang mga inaatupag?

Unang inirereklamo ang sector 2 commander na si PSI Lazaro.

Makikita raw si PSI Lazaro at alipores ni­yang PO1 tuwing umaga sa paborito niyang kanto sa Recto at Abad Santos avenues.

Ang style kasi ng mga kumag, papasok sa umaga pero pagdating ng tanghali ay wala nang makita sa kanila?!

Iniiwan na sa MTPB traffic enforcers ang area nila kaya ang resulta ay grabeng trapik!

At ang ‘nakabibilib’ pa sa kanila, tila mga bulag ang mata sa haba ng pila ng PUJ sa illegal terminal sa gitna pa mismo ng Abad Santos Ave., at kahabaan ng C.M. Recto Ave., sa Divisoria.

PSI Lazaro, totoo ba na malakas ang hatag at obligasyon diyan sa area mo?

Iba naman ang estilo ng Sector 5 commander na si PSI Mababangloob.

Pawang mga tauhan niya ang makikitang nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng Taft avenue.

Nasaan si sector 5 commander?

Nandoon lang daw sa mga coffee shop sa Ermita, nagpapalamig at pakape-kape lang?!

‘Yung ibang bataan niya ay lagare riyan sa illegal terminal sa paligid ng Lawton?!

Sonabagan!!!

Iba naman raw ang diskarte nitong si PSI ARMADA, matapos ihawla sa loob ng ADMIN dahil umano sa sobrang talas at tulis sa kalsada, kulang na lang e gawing may bayad ang pagkuha ng police report sa MPD-TEU.

Pati duplicate copy at report application ay tumaas na rin daw na dating P2 ay naging P5?!

Wattafak!?

Mabuti na nga lang, sa tuwing daraan sina MPD DG Joel Coronel at Yorme Erap sa kahabaan ng Taft Avenue ay nakikita nila si TEU chief, C/Insp. Pelias pa mismo ang nagmamando ng trapiko sa kalye.

NCRPO RD OSCAR ALBAYALDE sir, wala po ba kayong plano na dalhin sa Bicutan ‘yang tatlong ‘magigiting’ na pulis na ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *