Monday , October 7 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Abusadong DA Usec binanatan ni Pres’l son-in-law Atty. Mans Carpio

ISANG undersecretary ng Department of Agriculture (DA) ang tila astang First Lady daw na nagtatarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at ipinahiya pa ang mga staff ng airline nang hindi mabigyan ng VIP treatment.

Hindi pa natin alam kung sinong undersecretary sa DA dahil tatlo pala sila.

Sina Berna Romulo Puyat, Evelyn Laviña at Ranibai Dilangalen.

Sino kaya sa kanila!?

Pero ayon kay Atty. Mans, e talagang kahiya-hiya ang asal ng nasa­bing DA undersecretary dahil nagpahayag pa umano ng: “Hindi ko na kailangan sabihin kung sino ako!”

Sabi nga ni Presidential son-in-law, “Sino ka ba?

Naging undersecretary ka lang, akala mo kung sino ka na!”

Araykupo!

And take note, kasama pa umano ni Usec ang kanyang assistant na kapwa niya gumawa ng senaryo sa Airport.

Gusto raw kasi ni Usec na ilagay siya sa business class kaya nagtatatarang at pinagalitan ang mga staff ng airline.

Nagsususpetsa tuloy ang inyong lingkod na ‘courtesy’ ang ticket ni Usec at kaya siya nagalit e economy ang ibinigay at hindi business class.

Aba’y kung gusto mo sa business class e bumili ka ng ticket mo sa sariling pera mo!

Naku naman! Petmalu!

Kung feeling ‘First Lady’ nga si Usec e talagang magagalit ‘yan!

No wonder kung bakit pinuna siya ni Atty. Mans.

E sino nga ba siya?!

Undersecretary nga naman pero kung makaasta e feelingerang First Lady?!

“We do not need these kind of people in government who have this certain kind of self entitlement. #angkapal#mahiyakanaman.”

‘Yan ang hashtag ni Atty. Mans!

E sino nga ba ‘yang Usec na ‘yan?!

Paki-check nga DA Sec. Manny Piñol!

SENATOR
LOREN LEGARDA
SA DSWD
SA YEAR 2019?

“I AM not certain whether I am allowed to comment on that on national television, but my being mum about it would probably spill the beans.”

‘Yan po ang pahayag ni Senadora Loren Legarda sa interview sa ANC nang tanungin ukol sa DSWD portfolio na nais umano ni Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na ipahawak sa kanya pagkatapos ng kanyang termino sa 2019.

“Let me just say that I would want to exercise very strong oversight functions over a department that is very important, that takes care of the need of the people,” ani Senator Legarda.

Aba, e bilib naman ako talaga sa adrenalin nitong si Senadora Loren.

Walang kapagod-pagod.

Ilang taon na ba siyang naglilingkod sa sambayanang Filipino?

Wala pa ba siyang balak magpahinga?!

Madam Senator, magpahinga ka na naman. You deserve a break.

Parang sobra-sobra na ang oras at panahon mo sa paglilingkod sa bayan. Baka naman napapabayaan mo na ang personal na buhay ninyo?

Sobrang grateful na kami sa ‘yo Ma’m Loren.

Hayaan naman ninyong, mga mas bata naman sa inyo ang maglingkod sa sambayanan na kinabibilangan ninyo.

Sabi nga ni Herbert Hoover, “Old men declare war. But it is the youth that must fight and die.”

Don’t take it literally, pero, isa lang ang gusto nating sabihin, give youth a chance, Madam Se­nator.

Relax, relax na Madam.

IBA ANG DISKARTE
NG TATLONG
PULIS NG MPD-TEU

MATAGAL na palang putok na putok sa bawat sulok ng tanggahan ‘este tanggapan ng Manila Police District Tara-fix ‘este Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) ang pamamayagpag ng tatlong pulis na naka-assign doon.

Base sa mga reklamo at sumbong na ating natanggap, tila parang ‘palitaw’ ang tatlong opisyal ng MPD-TEU dahil kung magtrabaho ay may sarili silang oras at diskarte!?

Hindi nga nakapagtataka kung bakit ma­tindi pa rin ang pagsikip ng trapiko lalo ngayong kapaskuhan sa Maynila.

Ang siste, imbes magmando ng daloy ng trapiko 24/7 sa lansangan ng Maynila ‘e iba raw ang kanilang mga inaatupag?

Unang inirereklamo ang sector 2 commander na si PSI Lazaro.

Makikita raw si PSI Lazaro at alipores ni­yang PO1 tuwing umaga sa paborito niyang kanto sa Recto at Abad Santos avenues.

Ang style kasi ng mga kumag, papasok sa umaga pero pagdating ng tanghali ay wala nang makita sa kanila?!

Iniiwan na sa MTPB traffic enforcers ang area nila kaya ang resulta ay grabeng trapik!

At ang ‘nakabibilib’ pa sa kanila, tila mga bulag ang mata sa haba ng pila ng PUJ sa illegal terminal sa gitna pa mismo ng Abad Santos Ave., at kahabaan ng C.M. Recto Ave., sa Divisoria.

PSI Lazaro, totoo ba na malakas ang hatag at obligasyon diyan sa area mo?

Iba naman ang estilo ng Sector 5 commander na si PSI Mababangloob.

Pawang mga tauhan niya ang makikitang nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng Taft avenue.

Nasaan si sector 5 commander?

Nandoon lang daw sa mga coffee shop sa Ermita, nagpapalamig at pakape-kape lang?!

‘Yung ibang bataan niya ay lagare riyan sa illegal terminal sa paligid ng Lawton?!

Sonabagan!!!

Iba naman raw ang diskarte nitong si PSI ARMADA, matapos ihawla sa loob ng ADMIN dahil umano sa sobrang talas at tulis sa kalsada, kulang na lang e gawing may bayad ang pagkuha ng police report sa MPD-TEU.

Pati duplicate copy at report application ay tumaas na rin daw na dating P2 ay naging P5?!

Wattafak!?

Mabuti na nga lang, sa tuwing daraan sina MPD DG Joel Coronel at Yorme Erap sa kahabaan ng Taft Avenue ay nakikita nila si TEU chief, C/Insp. Pelias pa mismo ang nagmamando ng trapiko sa kalye.

NCRPO RD OSCAR ALBAYALDE sir, wala po ba kayong plano na dalhin sa Bicutan ‘yang tatlong ‘magigiting’ na pulis na ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *