Sunday , October 13 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Realisasyon ng “ENDO” sa NAIA inumpisahan na ni GM Ed Monreal

HETO ang tunay at genuine sa kanyang mga sinasabi — si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal — ang unang opisyal ng Duterte administration na nagpatupad ng pagwawakas ng end of contract (ENDO) o contractualization sa hanay ng mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mahigit 1,000 building attendants (BA) na nagtatrabaho sa NAIA terminals ang pinakamaligayang janitor ngayong Pasko dahil hindi na sila “job order placement” workers na kahit anong oras ay puwedeng patalsikin sa trabaho o tuwing anim na buwan ay pinapalitan sa kanilang puwesto.

Nitong Sabado, 16 Disyembre 2017, inihayag ni GM Monreal, segurado na ang tatlong-taong tuloy-tuloy na trabaho ng building attendants sa NAIA.

Tiniyak niya ito sa mga agency na nagmamantina ng mga nasabing manggagawa. At kung hindi magkakaroon ng problema sa kanilang pagganap sa gawain, muling mare-renew ang kanilang kontrata sa trabaho sa panibagong tatlong taon.

Ang tanging dahilan lamang para matanggal ang isang BA ay dahil sa palagiang pagliban sa trabaho at mga malalang paglabag sa patakaran ng MIAA.

Lahat sila ay kailangang may permanent SSS, medical benefits, 13th month pay at iba pang benepisyong nauukol sa mga manggagawa at kawani.

Ayon kay GM, “I think we are the first among government agencies to implement this, to end the endo system in the Philippines.”

Sa ilalim ng kasunduan, ang mananalong bidder ay kailangang tumupad sa itinatakda ng batas, walang age limit, at sa mga mapapatuna­yang may malalang paglabag, anim na buwan ang ibibigay na palugit bago palitan sa kanyang puwesto.

Karamihan sa mga attendant ay halos 10 o 15 taon nang nagtatrabaho sa airport janitorial services kaya naman siguro malaking kaluwagan sa kanila kung magtutuloy-tuloy na ang kanilang trabaho.

Ang NAIA terminal 1 ay may 76 toilets; ang terminal 2 ay 47 at nagdaragdag pa, ang terminal 3 ay 100 habang ang terminal 4 ay 24 units.

Alam nating hindi ito ang ideyal na kahulugan ng pagwawakas ng ENDO system sa ating bansa, pero ito ay ‘di hamak na magandang simula kaysa ibang mga opisyal ng Duterte administration na walang ginagawa para bigyan ng ‘katawan’ at ‘katotohanan’ ang programa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa maraming kawani at manggagawa.

Dinaig pa ni GM Monreal si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello na ang ginawa ay magsipsip sa Pangulo nang palagyan ng mukha ni tatay Digong ang OFW card.

Wattafak!?

Gayahin sana ng ibang opisyal sa ilalim ng Duterte admin si GM Monreal.

Gumagawa para dalhin sa mamamayan ang katotohanan ng programa ng Pangulo.

Hindi gaya ng iba riyan na walang ginawa kundi ihanap ng kaaway ang Pangulo.

Mabuhay ka GM Monreal!

GEN. RONALD “BATO”
DELA ROSA MAGIGING
TUNAY NA BASTONERO

MATAPOS ihayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na itatalaga niya si outgoing PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa Bureau of Corrections (BuCor), marami na ang nagpalakpakan, kabilang na ang inyong lingkod.

Naniniwala kasi ang inyong lingkod na ka­yang-kaya ni DG Bato ang trabahong iaatang sa kanya ng Pangulo bilang Director ng BuCor.

Bagay na bagay sa kanya at kayang-kaya niyang patinuin ang mga siga at pasaway sa National Bilibid Prison (NBP).

Hindi ba’t nagparamdam na siya nitong nakaraang araw at sinabing muling pagsasamahin sa iisang building ang mga binansagang bigtime drug lords?!

Sana ay maglunsad din ng Operation Tokhang sa vicinity ng Bilibid si DG Bato para tuluyang madurog ang mga sindikatong humahakot ng kuwarta riyan dahil sa ilegal na gawain.

Paalala lang po DG Bato, malaking budget rin ang pinag-uusapan sa NBP.

At halos magkakasabwat na riyan ang ilang grupo ng mga guwardiya, concessionaire at i­lang opisyal.

Hindi lang barya ang budget na pinaglalawayan ng ng mga ‘aso-aso’ sa pali-paligid  na gustong makabingwit ng mga posisyon at proyekto sa loob ng NBP lalo na ‘yung kung tawagin ay pagkaing-preso.

Pagkaing-preso pero milyon-milyong piso ang kinakamal ng sabwatan ng mga tiwali sa nasabing ahensiya.

Sulong na agad, General Bato!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *