Wednesday , May 8 2024

Sports

PBA Press Corps awards night ngayon

GAGAWIN mamayang gabi ng PBA Press Corps ang taunang Awards Night nito sa Century Park Hotel sa Vito Cruz, Maynila. Pangungunahan ng pangulo ng PBAPC na si Barry Pascua ng Bandera, Bagong TIKTIK at HATAW ang awards night kung saan magiging espesyal na panauhin ang bagong komisyuner ng PBA na si Andres “Chito” Narvasa, Jr. Dadalo rin sa awards night …

Read More »

Shakey’s V League: Ateneo, UST sasalang sa do-or-die game

MAGHAHARAP ngayon ang Ateneo de Manila at University of Santo Tomas sa ikatlo at huling laro sa best-of-three semifinals ng Shakey’s V-League 12 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Magsisimula ang laro sa alas-4 ng hapon kung saan tabla sa tig-isang panalo ang dalawang pamantasan sa serye. Nanalo ang Lady Eagles, 27-25, 25-16, 25-17, sa Game …

Read More »

Walang problema ang Hotshots sa big men

KUNG big men rin lang ang pag-uusapan, aba’y parang sobra-sobra ang higante sa line-up ng Star Hotshots! Ito ay bunga ng pangyayaring magbabalik na sa active duty si Ian Sangalang na isang game lang ang nilaro noong nakaraang season at nagtamo ng Anterior Cruciate Ligament (ACL). Kinailangan siyang operahan, magpahinga at mag-rehab. Bukod kay Sangalang, nakuha rin ng Hotshots sa …

Read More »

Bingo Bonanza National Badminton Open sisimulan sa Oktubre 11

MAGTATAGISAN ng galing ang pangunahing manlalaro ng badminton sa gaganaping Bingo Bonanza National Badminton Open na sisimulan sa Oktubre 11 sa Rizal Memorial Badminton Center sa Maynila at Glorietta 5 Atrium sa lungsod ng Makati, ayon kay Bingo Bonanza executive vice president Alejandro Alonte. Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, ipinaliwanag ni Alonte na layunin ng torneo …

Read More »

UMAYRE para sa jump shot si Julian Sargent ng La Salle na walang nagawang depensa sina Angelo Alolino at Nico Javelono ng National University sa UAAP men’s basketball elimination round. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Pacquiao umiskor ng 19 puntos (Sa tune-up game ng Mahindra)

DETERMINADO ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na lalong pagbutihin ang pagiging playing coach niya sa Mahindra sa PBA. Noong Sabado ay umiskor si Pacquiao ng 19 puntos, kabilang ang limang tres, sa tune-up na laro ng Enforcers kontra Gold Star ng Davao kung saan nagtala ang Mahindra ng 108-69 na paglampaso sa kalaban. Sa huling PBA season ay …

Read More »

Rosario, Tautuaa lalaro sa TnT sa MVP Cup

NGAYONG wala na sila sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships, puwede nang maglaro sina Moala Tautuaa at Troy Rosario para sa Talk n Text sa MVP Cup na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum. Sina Tautuaa at Rosario ay kasama sa mga huling cuts ng Gilas ni coach Tab Baldwin kasama sina Gary David, Jimmy Alapag, Aldrech Ramos …

Read More »

Perlas Pilipinas umuwi na mula sa Wuhan

DUMATING na sa bansa kahapon ang Perlas Pilipinas mula sa Wuhan, Tsina, kung saan gumawa ito ng kasaysayan noong isang linggo nang pumasok ito sa Level 1 ng  2015 FIBA Asia Women’s Championship. Sa pangunguna nina coach Patrick Aquino at team manager Wilbert Loa, nilampaso ng Perlas ang North Korea, 68-67, Sri Lanka, 65-45, Hong Kong, 75-62, Kazakhstan, 80-73 sa …

Read More »

Court of Honour mahaba ang hininga

Nasungkit ng kabayong si Court Of Honour ni John Alvin Guce ang naganap na 2015 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” nitong nagdaang weekend sa pista Sta. Ana Park. Sa largahan ay nasabay si Court Of Honour  sa unahan, subalit bago dumating sa unang likuan ay nagmenor muna ni Alvin at hinayaan na mauna ang mga kalaban na may tulin. Pagpasok sa …

Read More »

NAKAWALA ang bola at sabay na hinagilap nina Cheik Kone ng UP at Jordan Sta. Ana ng UE sa kanilang unang pagtatagpo sa UAAP Season 78th men’s basketball. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Pinoy Pride yayanigin ang Amerika

NASA Los Angeles, California, USA ang Pagara brothers na sina Jason at Prince Albert kasama si Mark “Magnifico” Magsayo para pataasin pa ang antas ng kanilang ensayo bilang preparasyon sa kani-kanilang laban sa Oktubre 17 sa StubHub Center sa Carson, California. Ang US debut ng tatlong boksingero ay babanderahan ng ALA Promotions. Diretso ang tatlo kasama ang kanilang head trainer …

Read More »

Court of Honour kampeon sa Lakambini Stakes Race

NILARGAHAN kahapon ang 2015 Philracom Lakambini Stakes Race sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Naging kapanapanabik ang naging pagtatapos ng nasabing laban nang tumawid sa finish line si Court of Honour na may isang  kabayong agwat sa sumegundang si Gentle Strength dahil sa nagkaroon ng inquiry. Pero sa pagrebisa sa video ng nasabing laban, napag-alaman na walang …

Read More »

Arellano mapapanatili ang lakas sa next season

TATLONG guwardiya buhat sa kasalukuyang season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang nakabilang sa Philippine team na nagkampeon sa nakaraang Singapore Southeast Asian Games. So, masasabing napakalaking karangalan iyon para sa pinakamatandang  liga sa bansa.  Biruin mong sa balikat ng kanilang mga manlalaro naiatang ang responsibilidad ng paggiya sa RP Team. At nagtagumpay naman ang ating koponan dahil sa …

Read More »

Silver ang Gilas sa Jones Cup

HINDI man naging kampeon ang Gilas Pilipinas sa katatapos na Jones Cup, nagawa naman ng RP team na masustina ang kanilang effort para lumanding sa 2nd place. Maganda nang achievement iyon sa team na ngayon lang binuo. Iyon ay minus Andre Blatch na hindi naglaro sa kabuuang games sa Jones Cup. Imadyinin mo kung naglaro si Blatche sa RP Team—malamang …

Read More »

ANG magarbo at makulay na pagsisimula ng UAAP Season 78th kung saan host ang UP na ginanap sa Araneta Coliseum. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Blatche sa FIBA Asia na maglalaro sa Gilas

TULUYANG sumarado na ang pinto kay Andray Blatche sa kanyang paglalaro sa Gilas Pilipinas sa huli nitong asignatura sa ika-37 na Jones Cup kontra Chinese Taipei B mamayang ala-una ng hapon sa Taipei, Taiwan. Ayon kay Gilas coach Tab Baldwin, napilitan si Blatche na i-rebook ang kanyang paglipad sa Taipei para makasama niya ang kanyang ina kaya late na rin …

Read More »

Stephen Curry, fan ni Pacman

Hindi naitago ni 2015 NBA MVP Stephen Curry ang kanyang pagiging fan ni Manny Pacquiao kasabay ng kanyang pagbisita sa Filipinas. Bukod sa boxing, hinangaan din niya si Pacman sa pananampalataya sa Diyos na aniya’y hindi lamang nagbigay ng inspirasyon sa kapwa Filipino kundi maging sa mga taga San Francisco. Tinawag pa ni Curry si Pacquiao na may “true heart …

Read More »

Abueva, Romeo sumikat sa Jones Cup

MAGANDA ang kabuuang laro ng Gilas sa Jones Cup na ginaganap sa Taipei, Taiwan. Hindi pa tapos ang tournament pero sigurado nang kampeon ang Iran dahil sa isa lang ang naging talo nila sa kabuuang laro sa torneyo na may format na single round robin. Ang Gilas, malaki ang tsansa na makasampa para sa silver base na rin sa magandang …

Read More »

Ilang lansangan sa Maynila isinara para sa ‘Alay Lakad 2015′

LIBO-LIBO ang nakibahagi kahapon sa taunang “Alay Lakad” sa Rizal Park, Manila. Ang nasabing aktibidad ay may temang: “Alay Lakad Para sa Magandang Kinabukasan.” Dahil dito, dakong 4 a.m. pa lang ng madaling araw ay isinara na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang mga sumusunod na lansangan: North & Southbound lane of Roxas Boulevard from Anda Circle …

Read More »

RP Powerlifters nakipagtagisan ng lakas sa Prague

NAKIPAGTAGISAN ng lakas ang mga atleta ng PHILIPPINE POWERLIFTING TEAM sa ginanap na world powerlifting championship  sa Prague, Czech Republic (EUROPE). Pinadala ni POWERLIFTING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES President  EDDIE TORRES & RAMON DEBUQUE sa tulong ni PSC Chairman Richie Garcia ang apat na matitikas na lifter ng bansa sa pangunguna ni 16-year old JOAN MASANGKAY  (43kg weight class) sa  …

Read More »

Ravena payag maglaro sa Gilas

PAYAG ang superstar ng Ateneo de Manila sa UAAP na si Kiefer Ravena na muling magsuot ng uniporme ng Gilas Pilipinas. Isa si Ravena sa mga amatyur na manlalaro na kinukunsidera ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging bahagi ng Gilas bilang pagbabalik sa dating sistema noong 2011. Noong taong iyon ay kinuha ng SBP ang mga pangunahing amatyur …

Read More »

ANG mga coaches ng iba’t ibang Universidad na sina (kaliwa-pakanan) Juno Sauler ng La Salle, Nash Racela ng FEU, Rency Bajar ng UP, Eric Altamirano ng NU, Derek Pumaren ng UE, Mike Fermin ng Adamson, Bong Dela Cruz ng UST at Bo Perasol ng Ateneo na hangad ang magandang laban sa pagsisimula ng UAAP Season 78 sa Sept. 5 sa …

Read More »

Gilas matikas

TULOY-TULOY ang pananalasa ng Gilas Pilipinas matapos nilang kaldagin ang Japan, 75-60 para manatili ang asam na titulo sa William Jones Cup sa Xinchuang Gym sa Taiwan. Bumandera ng 12-2 run ang mga Pinoy cagers sa third quarter at matinding sangga ang kinana nila sa matalim na atake ng Japan sa fourth para walang collapse na magaganap kaya nasungkit nila …

Read More »

Balik-tanaw sa katatapos na PBA draft

DALAWANG first round picks at tatlong second round picks ang pag-aari ng Rain Or Shine sa nakaraang 2015 PBA Rookie Draft, Ibig sabihin ay limang manlalaro sa unang 24 picks ang hawak ng Elasto Painters. Aba’y higit sa 20 porsiyento iyon ah! Pero hindi ginamit ni coach Joseller “Yeng” Guiao ang mga picks na iyo. Sa halip ay tatlong manlalaro …

Read More »

Viloria nahaharap sa pinakamabigat na laban kay Gonzales

ALAM ni dating world flyweight at light flyweight champion Brian Viloria na si Roman ‘Chocolatito’ Gonzales ng Nicaragua ang pinakamabigat at pinakatalentadong boksingero na kanyang makakaharap sa kanyang career. Maghaharap ang dalawang kampeon sa Oktubre 17, 2015 (October 18 PHL time) sa Madison Square Garden sa New York. Hawak ang perfect 43-0 record, kabilang ang 37 knockout, ang defending WBC …

Read More »