Monday , July 4 2022

Hungary nangako ng suporta sa Philippine Sports

PAGKARAAN ng 22 taong walang diplomatic representations sa bansa, ang Embahada ng Hungary ay ipinagbubunyi ang  pagkakabalikan nila ng Philippines sa pamamagitan ng friendly women’s basketball game sa pagitan ng Hungarian Youth Team at ng ating youth team dito sa Manila.

Ang aktibidades ay parte ng Memorandum of Understanding sa Sports Coordination sa pagitan ng Philippine Sports Commission at Hungary, sa naging Joint Economic Meeting ng dalawang bansa sa Budapest noong Abril 3.

Ang Ambassador ng Hungary to the Philippines na si Dr. Jozsef Bencze ay inanunsiyo sa welcome dinner na inahain ng PSC nitong Miyerkoles na si Dr. Tamz Sterbenz, ang Vice Rector for General Affairs ng University of Physical Education sa Budapest ay nakipagkasundo sa relasyong pang-sports sa Ateneo de Manila University na nag-host ng friendly basketball games at nag-provide ng quarters sa Hungarian women’s basketball team na mula sa University of the Physical Education-Budapest.

Ayon kay Assistant Director of ADMU Athletics Office Ms. Erica Dy, ang nasabing agreement sa kanilang unibersidad ay isang magandang hakbang para maging tulay sa pagitan ng dalawang nasyon. “This proves that sports is a vehicle to bridge boarders and allow us to work together and do our little part to make this place a better place,” dagdag niya.

Si Dir. Jeffrey Valdez ng Department of Foreign Affairs-Office of Europian Affairs ay naroon at  naniniwala na ang sports ay isa sa unang kasunduan na pinirmahan sa Philippines-Hungary Joint Economic Meeting para sa magandang relasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala nagpapakita ng progreso sa laro sa W25 Palma del Rio Singles, Doubles

NAGPAMALAS ng bagsik sa laro si Alex Eala ng Pilipinas nang magposte ito ng impresibong …

Rolando “Rolly’ Romero Gervonta ‘Tank’ Davis

Romero vs Davis magkakaroon ng rematch

SINABI ni Rolando “Rolly’ Romero na naghahanda na siya para sa rematch nila ni WBA …

Russell Westbrook

Westbrook mananatili  sa Los Angeles Lakers

NAGDESISYON si Los Angeles Lakers guard Russell Westbrook na tanggapin ang kanyang $47.1 million option …

PSC Rise up Shape up

PSC’s “Rise Up! Shape Up!” nakatuon sa iba’t ibang programa sa nakalipas na anim na taon

NAKATUON ang Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Women in Sports Program,    sa kababaihan …

Laro’t Saya sa Parke PSC’s Rise Up Shape Up

‘Laro’t Saya sa Parke’ sa PSC’s Rise Up Shape Up

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa …

Leave a Reply