Tuesday , July 5 2022

Korona dedepensahan ni Pinoy “Pretty Boy”

MAPAPANOOD ng Pinoy boxing fans ang isa sa pinakamahusay na Pilipi­nong boksingero ngayon na si Jerwin “Pretty Boy” Ancajas sa kanyang laban kontra kay Ryuichi Funai sa  Linggo (Mayo 5) para sa IBF Superflyweight World Championship.

Live na ipalalabas sa ABS-CBN S+A ng 10 am ang bakbakan mula sa Stockton Arena sa Cali­fornia, USA para sa unang pagpapakitang-gilas ni Ancajas sa sports channel ng ABS-CBN.

“Malaking op­portu­nity na maipalabas sa pinakamalaking network. Siguradong mapapanood na nila ang laban ko sa amin sa Davao,” bahagi ni Ancajas sa ABS-CBN Sports noong press con­ference niya noong ika-11 ng Abril, kung saan ina­nunsyo ang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN Sports at ng kanyang mga promoter.

Dalawang taon nang namamayagpag si Anca­jas (30-1-2; 20 knockouts) sa kanyang dibisyon at anim na beses nang nai­depensa ang korona mula 2016. Ika-pitong susubok si Funai, na may baong 31-7-0 rekord at 22 na knockout.

Sasandalan ni Ancajas, na tumabla kay Alejandro Santiago Barrios sa kan­yang huling laban, ang kanyang husay sa tech­nical boxing pati na ang kanyang pambihirang lakas laban kay Funai, na sa huling tatlong laban ay pinatulog ang kanyang mga kalaban.

About hataw tabloid

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Patay muna aso bago turok ng bakuna

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAPAG namatay na ang aso, saka lang babakunahan para sa anti-rabies …

Gary Payton II

$28 Million deal sa Trail Blazers isinapinal ni Gary Payton II

ISINAPINAL ni Gary Payton II ang 3-year, $28 million deal sa Trail Blazers,  ayon sa …

Zolani Tete Jason Cunningham

Zolani Tete giniba si Jason Cunningham sa 4th round

NASA radar na muli ni dating two-weight world champion Zolani Tete ang isa pang pagkakataon …

Rene Mark Cuarto

Cuarto talo kay Valladeres via split decision

NAYARI ang koronang hawak ni Rene Mark Cuarto ng Pilipinas  nang talunin siya ni Mexican …

Kevin Arquero

Arquero naghari sa Marikina Chess Tourney

PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess …

Leave a Reply