Wednesday , February 21 2024

Bowles, balik PBA bilang RoS import

MAGBABALIK-PBA ang kilalang Bmeg (Magnolia ngayon) import na si Denzel Bowles ngunit hindi sa kanyang dating koponan.

Magsisilbing reinforcement si Bowles sa Rain or Shine para sa paparating na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Kinompirma ito ni head coach Caloy Garcia kahapon.

Inaasahang darating ang 30-anyos na si Bowles sa susunod na linggo dalawang taon matapos ang huling punta sa PBA.

Bagamat sa Bmeg nakilala, magsisilbi sanang import si Bowles ng Talk ‘N Text noong 2017 Commissioner’s Cup ngunit hindi natuloy bunsod ng hindi pagkakaunawaan.

Dating Best Import noong 2012 si Bowles kung kailan ginabayan niya sa kampeonato ang Bmeg matapos ang krusyal na seven-game series kontra sa TNT.

Dalawang beses pa siyang naglaro para sa Purefoods franchise, pinakahuli noong 2016, ngunit hindi na rin nagbunga dahil hindi na niya natapos ang kampanya bunsod ng family matters. Huli siyang naglaro para sa Kanazawa Samuraiz sa Japanese B.League kung saan niya nadala sa fifth place finish ang koponan sa likod ng 21.9 puntos, 11.4 rebounds at 3.1 assists.

Magugunitang si Reggie Johnson sana ang import ng Rain or Shine ngayon bago nauwi kay Bowles.

Noong nakaraang taon ay dinala ni Johnson sa top seed finish ang Elasto Painters ngunit nalaglag sa semi-finals kontra Ginebra.

(JOHN BRYAN ULANDAY)

About John Bryan Ulanday

Check Also

NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament

NCAA Juniors Basketball Tournament simula na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang aksiyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA …

Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula …

Niño Alcantara Tennis

Naging Number One Doubles Player sa Pilipinas  
NIÑO ALCANTARA UMAKYAT MULA 176 HANGGANG 169 SA ATP RANKINGS

SI NIÑO Alcantara, ang sumisikat na tennis star mula sa Pilipinas, ay patuloy na gumagawa …

Surigao Diamond Knights ACAPI Chess

Surigao Diamond Knights: Ready, excited na maglaro sa ACAPI tourney

MANILA—Sabi ng beteranong woodpusher na si Lennon Hart Salgados na team captain ng Surigao Diamond …

Jethro Dino Cordero Aquino Chess

Nakakakuha ng 1st IM norm at outright FIDE Master title  
INCOMING LA SALLE STUDENT NAKISALO SA IKA-5 PUWESTO SA INDIA CHESS TILT

Panghuling standing: (10 round Swiss System) 8.0 puntos–GM Sayantan Das (India) 7.5 puntos—GM  Diptayan Ghosh(India), …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *