Monday , July 4 2022

Kai Sotto simula na sa ensayo

UUMPISAHAN na ni Kai Sotto ang kanyang ensayo sa pagli­pad sa US ngayon para sa dalawang buwang pagsasanay na bahagi ng kanyang misyon na makatapak sa National Basketball Association (NBA).

Sa Atlanta, Georgia ang unang destinasyon ng 7’2 Filipino teen sensation na sasailalim siya sa puspusang body strengthening at con­ditioning sa loob ng dalawang buwan sa ilalim ng East West Private Agency.

Inilinaw ng ama ni Kai na si Ervin na bagamat patulak sila sa US ay hindi pa rin ito ang kanilang pinal na destinasyon bagkus ang Europa pa rin.

Sa ngayon ay nasa mesa pa rin ang international offers kay Sotto mula sa clubs na Barce­lona, Baskonia, Estu­diantes at Real Madrid mula sa Spain gayundin ng ALBA Berlin mula naman sa Germany.

“There’s no plan to play in US. Europe is still the number one option,” ani Ervin.

Bagamat nauna na sina Kai at Ervin sa US, inaasahang susunod sa kanila ang ina na si Pamela gayundin ang mga kapatid ni Kai sa darating na Mayo.

Inaasahang babalik sa bansa ang pamilya Sotto sa Hunyo kung kailan niya iaanunsiyo kung saang Europe club ipagpapatuloy ang paglalaro.

Bago naman magdesisyon, maglalaro muna si Kai sa Batang Gilas na isa aniya sa kanyang mga responsibilidad sa bayan kapantay ang personal na pangarap na makarating sa NBA.

Inaasahang lalong malakas at mas malaki na ang maitu­tulong ni Kai sa panahong iyon kung kailan sasalang ang Batang Gilas sa FIBA U19 World Cup na magaganap mula  29 Hunyo hanggang 7 Hulyo.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Conor McGregor Floyd Mayweather

Rematch ng Conor McGrecor vs Floyd Mayweather tsismis lang

LALABAN muli sa UFC  si Conor McGregor sa  pagtatapos ng 2022 o sa kaagahan ng …

Gilas Pilipinas FIBA World Cup Asian Qualifiers

Gilas  reresbak sa New Zealand

DUMATING na sa New Zealand ang Gilas Pilipinas nung Martes ng hapon para sa magiging …

Jeron Artest Ron Artest

Anak ni ex-NBA star Artest interesadong maglaro sa Gilas

MANILA, Philippines — Sinabi ni NBA champion Metta Sandiford-Artest, dating kilala sa pangalang Ron Artest …

chess

Llavanes, Mayor magtatangka sa top honor sa Bicol Online Grandprix Chess Tournament

MANILA–Magtatangka sina National Master Ronald Llavanes at Dr. Jenny Mayor kasama sina Jeffrey Vegas, Jesurie …

Chess

Chess player bida rin sa kanyang obra maestra

MANILA–Nakikilala na sa mundo ng sining ng  pagpipinta ang chess player na si Bb. Jennie …

Leave a Reply