Tuesday , December 23 2025

TimeLine Layout

December, 2016

  • 21 December

    PNP chief handang makulong sa war on drugs (‘Wag lang sa korupsiyon)

    ronald bato dela rosa pnp

    HANDA si PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa na makulong dahil sa mga insidente ng patayan bunsod ng kanilang kampanya laban sa illegal drugs huwag lamang sa isyu ng korupsiyon o katiwalian. Sinabi ni Dela Rosa, bahagi ng kanilang pagtupad sa misyon ang linisin ang bansa sa problema ng ilegal na droga at mga kaso ng patayan.

    Read More »
  • 21 December

    Pasko posibleng may bagyo — PAGASA

    MALAKI ang posibilidad na makaranas ng mga pag-ulan sa darating na weekend. Ito ang sinabi ni PAGASA forecaster Aldczar Aurelio dahil sa inaasahang low pressure area (LPA) na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Tinatayang makaaapekto ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Kung magiging ganap na bagyo, tatawagin ito bilang tropical depression “Nina.” Habang ang malaking bahagi …

    Read More »
  • 21 December

    Ex-GM Uriarte humirit ng piyansa, house arrest (Sa PCSO case)

    HINILING ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte sa Sandiganbayan na ilagay siya sa house arrest at makapagpiyansa dahil sa lagay ng kanyang kalusugan. Si Uriarte ang tinaguriang “missing link” sa plunder case ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa sinasabing maling paggamit ng P366 milyon intelligence funds ng PCSO na nauna nang na-dismiss ng Korte …

    Read More »
  • 21 December

    Tuition fee libre sa SUCs, ibang bayarin hindi (Sa 2017) — Palasyo

    CHED

    INILINAW ng Malacañang kahapon, tanging tuition o matrikula lang ang libre sa state universities at state colleges sa susunod na taon. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, babayaran pa rin ang miscellaneous fees ng mga estudyante sa kanilang pag-enrol sa mga paaralang pampubliko. Ayon kay Abella, ang mahigit P8.3 bilyon alokasyon o dagdag sa budget ng Commission on Higher Education …

    Read More »
  • 21 December

    P150-K balikbayan boxes tax-free na

    LALONG magiging masaya ang Pasko ng mga tinaguriang “bagong bayani” o ang overseas Filipino workers (OFWs) dahil tax-free na simula sa 25 Disyembre ang balikbayan boxes na may laman na nagkakahalaga ng P150,000 pababa. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Bureau of Customs (BoC) Spokesman Neil Estrella, tapos nang plantsahin ng BoC at Department of Finance ang “implementing rules …

    Read More »
  • 21 December

    Abogado, bodyguard patay sa ambush

    dead gun police

    PATAY ang isang abogado at kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang idinaraos ang Simbang Gabi sa Brgy. Poblacion, San Pablo, Isabela nitong Martes ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Atty. Arland Castañeda ng Brgy. Binguan, habang agad binawian ng buhay sa insidente ang hindi pa nakikilalang bodyguard. Naganap ang pamamaril dakong 4:00 am. …

    Read More »
  • 21 December

    Preso pumuga sa Bilibid

    nbp bilibid

    MASUSING iniimbestigahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagtakas  ng isang preso mula sa minimum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang nakapugang preso na si Nolan Cano y Navarro, 41, ng Casoy St., Verdant Acres Subdivision, Brgy. Pamplona 3, Las Piñas City. Sentensiyado si Cano ng 10-17 taon pagkabilanggo …

    Read More »
  • 21 December

    Janitor nagbigti sa selos sa dyowa

    PATAY na nang matagpuan ang isang 29-anyos janitor habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Natagpuan ng kanyang tatay na si Oscar Cruz Jr., ang biktimang si Oscar Cruz III habang nakabigti sa kanilang bahay sa Maria Guizon St., Tondo dakong 5:30 am, ayon sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District …

    Read More »
  • 21 December

    3 minero nalunod sa mining pit (Sa CamNorte)

    NAGA CITY – Nalunod ang tatlong minero sa sa mining pit sa Labo, Camarines Norte kamaka0lawa. Kinilala ang mga biktimang sina Florentino Mallanes, 47; Joel Cena, 36, at Mark Alvin Echano, 22-anyos. Napag-alaman, sinusubukan ng tatlo na iahon mula sa abandonadong mining pit ang equipment na ginagamit sa pagmimina. Ngunit habang nasa ilalim sila ng hukay ay biglang bumuhos ang …

    Read More »
  • 21 December

    2 patay, 8 sugatan sa ratrat ng tandem sa Bacolod

    gun shot

    BACOLOD CITY – Dalawa ang patay habang walo ang sugatan sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Bacolod City kahapon ng madaling araw. Pasado 12:00 am nang pagbabarilin sa Brgy. 28 ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang mga empleyado ng isang sikat na kainan sa lungsod. Agad binawian ng buhay sa insidente si Edwin Despi habang …

    Read More »