Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Human shield sa seguridad ng Santo Papa — Palasyo

MAAASAHAN ang kakaibang seguridad na ipatutupad kay Pope Francis lalo pa’t hindi siya gagamit ng Pope mobile. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bukod kay Pope Francis, babantayan din ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga mamamayang dadalo sa event. Ayon kay Lacierda, ‘human shield’ ang pangunahing proteksyong ibibigay ng PSG at mga security personnel para sa Santo Papa. Magugunitang …

Read More »

PNoy pupunta sa Romblon sa Biyernes

INAABANGAN na ng aking mga kababayang Romblomanon ang pagdating ni Pangulong Noynoy Aquino sa lalawigan sa Biyernes. Nasa Romblon na nga ang advance party ni PNoy na sakay ng BRP Pangulo ng Philippine Coast Guard. Wish ng mga Romblomanon, makita ni PNoy ang mga sirang tulay lalo na sa Espanya, San Fernando at mga bako-bako na kalsada ng “marble country.” …

Read More »

15-M deboto dadagsa sa pista ng Black Nazarene

INAASAHANG aabot sa 15 milyong deboto ang dadagsa sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Puspusan na ang pag-aayos sa Quirino Grandstand para sa pagdating ng Santo Papa at sa pahalik sa Pista ng Poong Nazareno. Doon din magsisimula ang traslacion. Bukod sa orihinal na imahen, isang replika ang ilalagay sa Quirino Grandstand para sa pahalik. Maaari ring …

Read More »

Bilibid ireporma — Trillanes (Eskandalo imbestigahan)

NAGHAIN si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng resolusyon upang tingnan ang  kasalukuyang sistema ng mga bilangguan sa bansa na sinasabing  nagbigay daan upang magkaroon ng espesyal na pagtrato sa high-profile inmates at sa mga illegal nilang gawain sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). “Malinaw na lumabag ang mga kawani ng NBP sa kanilang mandato nang hinayaan nila …

Read More »

Antigong bagman sa MPD PS-5, humahataw! (ATTN: NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria)

NAMAMAYAGPAG ngayon ang isang antigong tulis ‘este pulis sa lahat ng tabakuhan (kolektong) sa AOR ng ERMITA Police Station. Isang alyas SARHEN-TONG WILLIAM DIAKZON ang nagpapakilalang opisyal na bagman ngayon ni MPD PS-5 station commander Kernel Romeo “Popeye’ Macapaz. Alam mo na ba ‘yan Kernel Macapaz? FYI Kernel, sa tulis daw nitong si Sarhen-tong ay kopo n’ya lahat ng pagkakaKUWARTAHAN …

Read More »

Pagkuha ng kargamento sa POM paspasan (Panawagan sa negosyante)

NAWAGAN ang Palasyo sa mga negosyante na paspasan ang pagkuha sa kanilang mga kargamento sa Port of Manila bago ang Pista ng Poong Nazareno sa Biyernes at pagdating ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15. Sinabi ni Cabinet Secretary Rene Almendras, ang naturang mahahalagang okasyon ay maka-aapekto sa daloy ng mga kargamento sa pantalan. “On Friday, we have the …

Read More »

OTOP nagtala ng 100% gains sa pagtaas ng kita — Villar

MAYROONG  100 porsiyentong pagtaas sa kita (o mula 10 o mahigit sa 50 porsiyento taas) dahil sa programang “One Town One Product (OTOP)” ng pamahalaan na nagbibigay ng P1 milyong tulong sa may 1,610 siyudad at munisipalidad sa bansa para i-promote ang kanilang mga produkto, ani Sen. Cynthia A. Villar. Sinabi ni Villar na base rin sa accomplishment report ng Department …

Read More »

VIP treatment totoo ba ‘to?

BAKIT sila Jinggoy at Bong kahit madaling araw may dalaw/pati kerida nakaka-overnyt. Pero kaming hndi nagnakaw mas mahigpit sa oras ng bisita. Nasaan ang patas na trato ng gobyerno sa mayaman at mahirap. Naka-aircon pa sila, kunwari lng tinanggal. +63929559 – – – –

Read More »

Liquor ban sa Maynila (Sa Papal visit)

NAGDEKLARA ang Manila City hall ng liquor ban upang maiwasan ang mga posibleng insidente sa panahon ng Papal visit at bago ang Feast of the Nazarene sa Quiapo sa Enero 9. Bago ito, nagdeklara na rin ang tanggapan ng alkalde ng holiday para sa lahat ng mga estudyante at city employees sa Biyernes para maiwasan ang pagsikip ng mga sasakyan …

Read More »