Sunday , May 19 2024

Blog Layout

Inday ganap nang bagyo

NABUO na bilang bagong bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng bansa. Ayon kay Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, binigyan nila ito ng local name na Inday nang pumalo sa 55 kph ang taglay na hangin. Ngunit hindi ito inaasahang tatama nang direkta sa alinmang bahagi ng lupa. Gayonman, palalakasin nito ang hanging amihan na maaaring …

Read More »

Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

TATLONG kasapi ng isang pamilya ang patay nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes ng tanghali. Kabilang sa mga namatay ay si Noriza Hilay, walong buwan buntis; anak na si Paulo, 2; at pamangkin na si Hinata, 3-anyos. Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag …

Read More »

Talagang nakaiiyak ang SONA ni PNoy

HINDI ako si Noynoy at lalong hindi ako isa sa apat niyang kapatid na babae … Pero parang naiyak din talaga ako sa kanyang State Of the Nation Address (SONA). Naiyak ako dahil unang-una kahit punong-puno ng accomplishment at mabubuting bagay ang inihayag niya sa kanyang SONA ‘e marami ang nagsasabing hindi nila alam o naramdaman ang mga sinabi ni …

Read More »

Sulpicio Lines counsel naging Comelec commissioner?!

NAKANENERBIYOS ang pagpasok ng isang corporate lawyer na gaya ni Atty. Arthur Lim sa Commission on Elections (Comelec). Si Atty. Lim ay ipinalit ni Chairman Sixtong este Sixto Brillanters kay dating election commissioner Grace Padaca. Wala naman kaso kung talagang deserving si Atty. Lim. Ang siste, hindi ba’t si Atty. Lim ang aboagdo ng Sulpicio Lines?! Siya ‘yung abogado na …

Read More »

Rain or Shine papasok sa trade

DAHIL walang masyadong sentro ang papasok sa draft pool ng PBA  ngayong taong ito, malamang ay papasok sa trade ang Rain or Shine para makuha ang nais nitong big man upang palakasin ang ilalim ngayong bagong PBA season. Hawak ng Elasto Painters ang ikalawang pick sa PBA Rookie Draft sa Agosto 24 at balak nitong kunin si Chris Banchero bago …

Read More »

Trillo susubukan ang Triangle Offense sa Meralco

BALAK ng bagong assistant coach ng Meralco na si Luigi Trillo na tulungan ang head coach ng Bolts na si Norman Black sa paggamit ng triangle offense sa koponan. Hinirang ng Meralco si Trillo bilang isa sa mga bagong assistants ni Black na pumalit kay Ryan Gregorio sa paghawak ng Bolts para sa bagong PBA season. Galing si  Black sa …

Read More »

Taulava nais magretiro sa NLEX — Reyes

NANGAKO si Asi Taulava na ang North Luzon Expressway ay magiging huli niyang koponan sa kanyang paglalaro sa PBA. Nasa Amerika si Taulava ngayon upang magbakasyon ngunit ayon sa kanyang ahenteng si Sheryl Reyes, babalik ang beteranong sentro sa katapusan ng buwang ito upang makipag-usap sa kampo ng Road Warriors. Nakuha ng NLEX ang prangkisa ng Air21 noong isang buwan. …

Read More »

Masarap tumulong sa mga bata — Marbury

INAMIN ng dating point guard ng NBA na si Stephon Marbury na kakaiba ang kanyang nararamdaman tuwing tumutulong siya sa mga batang may sakit. Nagsimula si Marbury sa pagtulong sa kapwa noong siya’y naglaro pa sa NBA at tinulungan niya ang mga naging biktima ng 911 terrorist attacks sa Amerika noong 2001 at ang mga nasalanta ng Hurricane Katrina noong …

Read More »

Dapat lang na gantimpalaan si Lee

SI Pau Lee nga kaya ang pupuno sa puwestong binakante ni Larry Fonacier sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa World Championsip sa susunod na buwan? Maraming nagsasabi na bunga ng kanyang kabayanihan sa FIBA Asia Cup sa Wuhan China kamakailan ay malamang na si Lee na nga ang ilagay ni coach Vincent “Chot” Reyes sa puwesto n Fonacier. Maaalalang …

Read More »

Sukat na sukat ni Dunoy

Sukat na sukat ng hineteng si Dunoy Raquel Jr. ang kanyang pagdadalang nagawa sa kabayong Love Na Love para sa distansiyang pinaglabanan sa naganap na “Hopeful Stakes Race” nitong nagdaang Sabado sa pista sa pista ng SLLP sa Carmona, Cavite. Sa alisan ay nauna sila sa lundagan hanggang sa unang kurbada, subalit sa takot ng kanyang mga kalaban na baka …

Read More »