Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Dingdong at Jen, may madalas na pinag-uusapan, ano kaya iyon?

MIXED emotions ang naramdaman ni Jennylyn Mercado habang pinanonood ang pilot episode ng Descendants Of The Sun. “Actually medyo emosyonal nga ako. Tapos sabi ko, ‘Shucks, thank you’, sabay- taas ng kamay niya bilang pasasalamat kay God. “Ganoon pala siya ka-…’di ba? Medyo… para sa akin ang ganda niya talaga! “Na-appreciate ko ‘yung puyat at pagod naming lahat sa ‘Descendants Of The …

Read More »

Jen, laging may baong panggulat

Samantala, hindi totoo na habang ginagawa niya ang Love You Two series nila ni Gabby Concepcion last year ay alam na ni Jennylyn na siya ang gaganap bilang Dra. Maxine dela Cruz o Beauty sa DOTS. “Wala po talaga akong alam. Totoo po ‘yun, wala po talaga akong alam.” Ang hudyat na alam na niya na siya nga si Beauty ay noong nagbago siya ng …

Read More »

Pomoy, pasok na sa finals (2 boses nadiskubre habang nag-aalaga ng manok)

PUWEDENG sumikat na naman uli nang husto ang Pinoy sa buong mundo. At ang posibilidad na iyon ay idudulot ng isang dating poultry boy (tagapag-alaga ng mga manok) at batang ipinaampon ng kanyang ama: si Marcelito “Mars” Pomoy. Pasok na si Mars sa finals ng America’s Got Talent: The Champions sa Amerika. Sa semifinals, na ipinalabas noong Lunes sa America (pero Martes …

Read More »

Julia, didibdibin na ang pag-aaksiyon

ANG 24/7 ang hudyat ng pagbabalik-showbiz ni Julia Montes pagkatapos mawala ng ilang buwan dahil nagtungo ng Germany para dalawin ang ama na roon naninirahan. Si Arjo Atayde ang kapareha ni Julia na nagpatunay na hindi niya kailangan hintayin si Coco Martin para sa pagbabalik-showbiz. Bago nagsimula ang shooting ng 24/7 ay naging masigasig sa pagsasanay ng martial arts si Julia na gagamitin sa kanyang papel na gagampanan. Nag-aral …

Read More »

Lambingan ng LizQuen, tagos sa kilig

SA week 4-episode ng Make It With You nitong Martes ng gabi ay laging pinagtatagpo sina Liza Soberano (Billy) at Enrique Gil (Gabo/Gabriel) dahil pareho silang imbitado sa birthday party ng boss ng law firm ni Khalil Ramos (Isputnik). Si Billy ang ka-date/girlfriend ni Isputnik sa party para patunayang hindi siya gay dahil tinutukso siya ng mga kapwa abogado sa opisina na wala siyang ipinakikilalang syota at bilang …

Read More »

Banta ni Bong Go: ‘Fake news’ mongers i-quarantine

MAS mainam na ilagay sa quarantine ang mga nagpapakalat ng ‘fake news’ o mongers kaugnay ng  pinanga­ngam­bahang 2019 novel coronavirus (nCoV) ng publiko. Sinabi ito kahapon ni  Committee on Health chairman Senador Christopher “Bong” Go, sa pagbubukas ng pag­dinig sa senado ukol sa isyu ng 2019 novel coronavirus. Ayon kay Go, walang magawa ang mga nagpapakalat ng ‘fake news’ sa …

Read More »

P300-M pondo ng DICT ginamit na ‘intel fund’ ubos sa loob ng 25 araw

DICT Department of Information and Communications Technology

MARAMI ang nagulat sa ibinunyag ni Undersecretary Eliseo Rio, Jr., tungkol sa paggamit ng pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng pamumuno ni dating senador at ngayon ay Secretary Gregorio Honasan. Bukod sa maling paggamit ng pondo ng DICT bilang intelligence fund, ‘yung P300 milyong bahagi ng pondo ay naubos sa loob ng 25 araw. …

Read More »

Balasahan sa BI NAIA-BCIU

Isa na namang rigodon ang nangyari sa Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa Bureau of Immigration (BI) NAIA. Sa isang Personnel Order na pirmado ni BI Commissioner Jaime Morente, si Erwin Ortañez na naging hepe noon ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ang siya ngayong bagong BCIU Overall Chief sa BI-NAIA kapalit ni Atty. Rommel Tacorda na inilipat …

Read More »

Prosti-club sa Pasig

Club bar Prosti GRO

ALAM kaya o hindi ipinaaalam kay Pasig Mayor Vico Sotto na talamak ang human trafficking diyan sa VENETO LUNA CLUB. Matagal na nga raw namamayagpag ang extra-VIP-service sa naturang club. Iniaakyat lang daw sa hotel na katabi ng club na ‘yan ang babaeng makukursunadahan ng costumer. P8,000 pataas ang usapan sa isang quickie sex. Mayor Vico, painspeksiyon nga po ninyo …

Read More »

P300-M pondo ng DICT ginamit na ‘intel fund’ ubos sa loob ng 25 araw

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMI ang nagulat sa ibinunyag ni Undersecretary Eliseo Rio, Jr., tungkol sa paggamit ng pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng pamumuno ni dating senador at ngayon ay Secretary Gregorio Honasan. Bukod sa maling paggamit ng pondo ng DICT bilang intelligence fund, ‘yung P300 milyong bahagi ng pondo ay naubos sa loob ng 25 araw. …

Read More »