Tuesday , April 22 2025
Edgar Egay Erice

Erice hindi takot personalin, kahit matalo sa 2025 elections

HINDI natatakot si dating Caloocan Rep. Edgar Erice na personalin siya ng Commission on Elections (COMELEC) sa darating na 2025 senatorial at local elections, maisiwalat lamang niya ang malaking posibilidad na magkaroon ng failure of election Kung matutuloy nag kontrata sa MIRU.

Dahil dito iniharap ni Erice sa publiko ang mga posibleng kaharaping problema ng 2025 midterm elections.

Ayon sa dating mambabatas, maraming red flags sa sistema ng MIRU na posibleng hindi nakita ng COMELEC.

Isa sa punto ni Erice, ang recast feature ng bagong vote counting machine.

Aniya, base sa paliwanag ng COMELEC, sa nasabing feature ay maaring magdagdag ang botante ng kanilang boto na makikita sa digital receipt kapag kulang ang shade nito sa balota.

Pangamba ni Erice, ang simpleng sistema ng recast ay maaring magdulot ng sandamakmak na disenfranchised voters.

Paliwanag niya sa ilang segundong delay, kapag pinagsama-sama  ay maaaring tumagal at maging dahilan ng pagkainip ng mga botante at hindi na bomoto habang ang ibang pipila at magtitiyaga ay mapagsasarahan ng presinto.

Panawagan ni Erice sa COMELEC, magsagawa ng time and motion trial para maiwasan ang kaguluhan sa mismong araw ng eleksiyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …