Monday , October 25 2021

Panawagan sa LGUs:
PAGBABAKUNA AYUSIN MAIGI

NANAWAGAN si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa mga local government units na ayusin ang kanilang vaccination procedure sa harap ng pagsugod ng mga tao sa vaccination sites kahit walang schedule ang mga ito.

Nababahala ang House Asst. Majority Leader sa nababalitaan nyang pagkakagulo ng mga tao sa vaccination sites.

“Ang mga LGUs ang lumilikha ng super spreaders dahil hindi maayos ang kanilang vaccination procedure. Nakita na nilang nag­kukumpulan ang napa­karaming taong nagwo-walk-in sa vaccination sites, wala pa rin ginagawa. Maiiwasan ang kumpulan kung maayos ang proseso ng pagbabakuna,” ayon kay Taduran.

“Kung walang schedule ang pumila, bakit hindi nila bigyan ng form at bilangin ang kakayanin ng bakunang nakahanda sa isang lugar para mapauwi na agad ang mga hindi maba­bakunahan?” dagdag pa ni Taduran.

Pinuna ng mamba­batas ang panghuhuli ng San Juan Police sa anim katao na pumunta sa isang vaccination site sa Greenhills makaraang makatanggap ng text message  na sila ay ini-schedule na mabakuna­han sa naturang lugar, na kalaunan ay natagpuang peke pala ang text message.

“Sila na ang nabiktima, sila pa ang hinuli? Marami sa mga kababayan natin ang matagal nang naghihintay ng tawag para sila ay mabakunahan. Ang anim ay nagmadaling pumun­ta sa vaccination site sa pag-aakalang naka­kuha na sila ng schedule. Kung peke ang text, hindi nila kasalanan ‘yun,” ani Taduran.

Naniniwala si Taduran na ang susi sa maayos na pagba­bakuna ay ang pag­paplano sa alokasyon at pagpapatupad ng organisadong proseso sa mismong vaccination sites.

Sa San Jose del Monte, nagrereklamo ang mga residente sa bagal ng pagbakuna.

Anila, ilang buwan na silang nakarehistro sa website ng lokal na pamahalaan, pero hangang ngayon wala pang text o tawag tungkol sa schedule nila.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

PH ayaw pasukin ng investors dahil sa super mahal na koryente — Solon

MULING binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre, …

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Leave a Reply