Wednesday , October 9 2024

Panukala sa presidential succession binawi ng QC lady solon

BINAWI kahapon ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo ang kanyang panukala na magbibigay kapang­yarihan kay Pangulong Duterte na magtalaga ng hahalili sa kanya sakaling hindi nakayanang gampanan ng presidente, bise-presidente, ng Senate president, at ng House speaker.

Ang pagbawi sa House Bill No. 4062, na isinumite ni Castelo noon pang 20 Agosto 2019, ay ginawa matapos akuin ng pangulo na malubha na ang kanyang sakit sa lalamunan.

Sa liham ng kongresista kay House Secretary General Jose Luis Montales, sinabi ni Castelo na binabawi na niya ang kanyang panukala.

“I write to respectfully request for the withdrawal and permanent archiving of House Bill No. 4062, which was filed on Aug. 20, 2019. Please take note that the said bill has not been acted upon by the Committee on Constitutional Amendments since the date of its filing,” ani Castelo.

Ang panukala, may titulong “An Act giving the President the power to delegate or designate a successor in the unlikely event that the President, Vice President, Senate president, and the Speaker of the House of Representatives die or become incapacitated to fill in the role of the President.”

Ayon sa kongresista, ginaya niya ang panukala sa kahawig na batas sa Estados Unidos.

Aniya, binabawi niya ang panukala para burahin ang maling impresyon na gusto niyang balewalain ang sinasabi ng Saligang Batas patungkol sa “line of succession.”

“That is not so, far from it. The bill does not remove the line of succession. I am for respecting that provision of the Constitution and the line of succession to the highest office,” aniya.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …

Aljur Abrenica

Aljur tatakbong konsehal sa Angeles City

HATAWANni Ed de Leon ISA pang nakaaaliw, nagsumite rin ng kanyang COC bilang konsehal si Aljur …

Nora Aunor maipanalo na kaya ng Noranians? (2nd nominee ng isang partylist)

HATAWANni Ed de Leon NATUWA naman kami nang mag-file ng COC si Nora Aunor para sa isa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *