Sunday , November 28 2021

Cha-cha aprub ngayon — SGMA

INAASAHAN na aapro­bahan sa pinal at huling pagbasa ng Kamara ang Charter Change na mag-aamyenda sa 1987 Con­stitution ngayong araw.

Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo ang Reso­lu­tion of Both Houses (RBH) No. 15, o ang draft federal charter ay pinag­botohan taliwas sa mga paratang na ito’y ini-railroad.

“Because it passed on second reading, three days after the copy is circulated, we should be taking it up on third reading hopefully that would be Monday,” ayon kay Arroyo.

Ang panukala ay mag­tatanggal sa “term limit” ng mga halal na opisyal.

“It was part of the democratic process, there was a debate, it was voted on,” ani Arroyo.

Ang layunin ng RBH No. 15 ay magbuo ng presidential-bicameral-federal system ng gobyer­no at binigyan ang Kongre­­­so ng kapang­yarihan na magbagong anyo bilang Constituent Assembly para buuin ang federal states.

Pero ayon kay Arroyo hindi na magagawa ang Cha-Cha sa loob ng kanyang termino bilang speaker. Nakapaloob sa resolu­tion ang probisyon na ang presidente at bise president ay ihahalal ng apat na taon at maaaring tumakbo ulit sa susunod na eleksiyon.

Para sa mga miyem­bro ng kongreso, ang kan­didato ay dapat naka­tapos ng kolehiyo. Apat na taon rin ang termino ng bawat isa.

Nakasaad sa panu­kala ng unang eleksiyon sa ganitong sistema ay gagawin sa May 2022.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Most wanted rapist sa Tarlac nakalawit

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa lalawigan …

2 nang-abuso, inihoyo 3 huli sa pot session, 3 pugante arestado

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaking may kasong pang-aabuso gayondin ang tatlong hinihinalang drug …

Sa Pampanga
KASO NG PAMAMARIL NG PULIS SA TEENAGER NASA PISKALYA NA

NAISAMPA na sa piskalya ang kasong Homicide na inihain laban sa isang pulis na nakadestino …

Quarry operator na sinabing land grabber inireklamo

NAHAHARAP sa asunto ang tinukoy na quarry operator ng isang residente sa Sitio Upper Bangkal, …

Joy Belmonte bike tiniketan

QC Mayor sinita, tiniketan sa ‘di pagsusuot ng helmet

KABILANG si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga biker na sinita at tiniketan dahil …

Leave a Reply