Monday , March 4 2024
GMA Network, YUGTO The 8th Paragala Awards

GMA humakot sa Paragala Awards

Rated R
ni Rommel Gonzales

HUMAKOT ng parangal ang GMA Network sa YUGTO: The 8th Paragala Awards na ilang Kapuso personalities at programa ang kinilala para sa kanilang kontribusyon sa media lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nangunguna na rito sina Kara David at Joseph Morong na kinilala sa  Crisis Coverage Award: Top News Personality category. Si Kara ay isa sa hosts ng I-Witness at anchor ng GTV public affairs shows na Brigadaat Pinas Sarap. Si Joseph naman ay isa sa senior reporters ng GMA at kasalukuyang anchor ng mobile journalism newscast na Stand for Truth.

Nagwagi rin ang I-Witness Ako si Patient 2828 episode ni Howie Severino bilang Outstanding COVID-19 Documentary.

Parehong winner din ang mga show ni Drew Arellano. Tumanggap ang Biyahe ni Drew ng Paragala Pang Kultura award habang ang AHA! ay ginawaran ng Paragala Pang Likhaan award.

Iniuwi naman ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang Paragala Pang Pamilya award.

Si Bea Alonzo ay pinagkalooban ng Paragala Pang Lingkod Bayan award para sa kanyang I Am Hope organization.

Tumanggap naman ang The 700 Club Asia ng Paragala Pang Kapakanan: Traditional Spiritual Program award.

Ang Paragala: The Central Luzon Media Awardsay ang largest student-based award-giving body sa Central Luzon.

Inialay ang awarding ngayong taon sa mga medical at media practitioners at iba pang bayaning patuloy na nagsisilbi sa bayan sa gitna ng COVID-19.

About Rommel Gonzales

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Art Atayde

Maine inaapura paggawa ng baby nina Sylvia at Papa Art

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY, happy birthday today kay Maine Mendoza at noong Sabado, isang espesyal na presentasyon …

Sarah bumigay kinompirmang single na

I-FLEXni Jun Nardo BUMIGAY na si Sarah Lahbati! Kinompirma na niyang hiwalay na sila ng asawang …

Blind Item, man woman silhouette

Matandang negosyante buking panggogoyo ni starlet

ni Ed de Leon NAKAHALATA na rin ang matandang negosyante. Napansin lang ng DOM na panay …

Ruru Madrid Coco Martin

Coco nakabawi kay Ruru pero hanggang kailan?

HATAWANni Ed de Leon NAKABABAWI naman daw ngayon si Coco Martin at muling tumaas na naman ang …

vilma santos nora aunor

Vilma tinutukan umarangkada ang career, Nora bumandera pero kinapos

HATAWANni Ed de Leon TALAGA bang magkalaban pa rin hanggang ngayon sina Vilma Santos at Nora Aunor? Talagang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *