Friday , July 26 2024
Prince Clemente, Kelvin Miranda, Rita Avila
Prince Clemente, Kelvin Miranda, Rita Avila

Kelvin Miranda pasaway na iskolar

Rated R
ni Rommel Gonzales

MULING patutunayan ni Kelvin Miranda ang husay sa pag-arte sa fresh episode ng award-winning anthology na Magpakailanman sa  Sabado, September 11. 

Bibigyang-buhay ni Kelvin ang kuwento ni Kim, isang matalino subalit pasaway na iskolar na gagawin ang lahat maiahon lang sa kahirapan ang  pamilya. Makakasama rin sa episode sina Rita Avila bilang Nanay Cecilia; Prince Clemente bilang Jun; at Sophia Senoron bilang Marian. 

Kahit na pasaway at puno ng kalokohan, naniniwala si Kim na tanging edukasyon lang ang makatutulong sa kanya upang masuportahan ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kung kaya naman kung ano-anong trabaho ang pinasok ni Kim matapos ang high school. Naniniwala rin ang kanyang Nanay Cecilia na mas mabuti na magtrabaho siya sa halip na magkolehiyo, bagay na sinasang-ayunan ng kanyang kapatid na si Jun. 

Imbes na panghinaan ng loob, nagsumikap si Kim na pagsabayin ang  pag-aaral at pagtatrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya. 

Abangan ang nakai-inspire na kuwento ni Kim sa fresh episode ng #MPK na pinamagatang Pasaway na Iskolar sa Sabado, 8:00 p.m., sa GMA-7.

About Rommel Gonzales

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *