Family Feud

Studio Player tunay na panalo sa Family Feud  

RATED R
ni Rommel Gonzales

NANANATILING panalo sa ratings ang award-winning game show ng GMA Network na  Family Feud!   

Pero ang tunay na panalo ay ang mga studio player at avid viewers ng show. Bukod sa celebrity players na naghuhulaan ng survey answers, araw-araw ding may nananalong viewers sa mas pinalakas at mas pinasayang “Guess To Win” promo. 

Limang survey questions ang lalabas sa commercial breaks ng GMA Afternoon Prime shows. May additional 2 questions din na ipaKIkita sa mismong episode ng show. Para ipadala ang inyong mga sagot at malaman ang iba pang detalye, bisitahin lang ang http://gmanetwork.com/ FamilyFeudGuessToWin

Araw-araw inaanunsyo ang 7 winners ng promo na makakatanggap ng P20,000 each!