Friday , September 13 2024

Taguig RTC TRO pinalawig ng 20 araw vs Meralco biddings

080524 Hataw Frontpage

PINALAWIG hanggang 20 araw ang temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) laban sa dalawang bidding ng Manila Electric Company (Meralco) para sa karagdagang 1,000MW supply ng koryente.

Ang TRO ay bilang tugon sa petisyon para sa injunction na inihain ng mga operator ng proyektong gas ng Malampaya laban sa Meralco bidding na gagawin sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP) nitong 2 Agosto at sa darating na 3 Setyembre 2024.

Sa utos na inilabas nitong 2 Agosto, sinabi ng hukuman na pinalawig nito ang TRO sa 20 araw matapos suriin ang mga salaysay at saksi mula sa petitioner na nagbabala sa pinsalang maidudulot ng bidding sa Malampaya gas at sa kinabukasan ng seguridad sa enerhiya ng bansa.

Praktikal na nag-waive ng karapatan ang Meralco na magtanggol nang hindi magpresenta ng ebidensiya upang baliktarin ang desisyon ng hukuman sa pagbibigay ng naunang TRO.

“Wherefore premises considered, this Court resolves as it hereby resolves to extend the previously issued 72-hour TRO to 20-day TRO enjoining the Manila Electric Company, and all other persons, agents, individuals, employees and representatives acting under its instructions and authority from conducting its competitive bidding selection process (CSP), under its current terms of reference, including the receipt of bids, the awards and the implementation of any award arising therefrom,” saad sa utos ng hukuman.

Ang TRO ay nagmula sa petisyon para sa injunction na inihain ng mga miyembro ng Malampaya consortium — Prime Energy, UC 38 LLC, Prime Oil and Gas Inc., at ang Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC) — upang pigilin ang CSP ng Meralco para sa 1,000MW na bagong supply ng koryente.

Ibinahagi ng Meralco ang 1,000MW CSP bids at itinakda ang isa para sa 400MW nitong 2 Agosto at 600MW sa 3 Setyembre.

Ang Taguig RTC TRO, na inilabas noong 31 Hulyo ay pinalawig nang 20 araw ang desisyon nito noong 2 Agosto, ay nag-apply sa parehong CSPs.

“The extension given is without prejudice to the resolution of the merits, of the Complaint which shall be threshed out in a full-blown trial. Let further proceeding for the prayed Writ of Preliminary Injunction be set on August 28, 2024 at 2:00 in the afternoon,” sabi ng korte.

Sa isang naunang pahayag, sinabi ng SC38 Consortium na hinahanap nila ang kalinawan ng kanilang papel sa merkado ng enerhiya sa parehong paraan na kailangan ng mga nagge-generate at nagdi-distribute ng koryente.

“There are a number of conflicting policies relative to the prioritization of indigenous resources and its implementation as part of a Competitive Selection Process, among others,” ayon sa Consortium.

“Upon market rules being clear and established, we can all fulfill our respective roles to propel the market forward and ensure long term energy security beyond the next three years for a dependable, equitable, competitive and reliable power sector,” dagdag nila.

Noong Biyernes, tumayo bilang testigo si Donabel Kuizon-Cruz, ang managing director at general manager ng Prime Energy, sa hukuman hinggil sa pinsalang puwedeng maidulot ng CSP batay sa pagsasaliksik at pag-unlad ng katutubong likas na gas.

Sinabi sa hukuman ni Donabelle Kuizon-Cruz, kinatawan ng pangunahing kompanya (Prime Energy) sa Consortium 38 na namamahala sa Malampaya gas field sa lalawigan ng Palawan, mahalaga ang suporta para sa proyektong Malampaya at ang consortium na nagpapatakbo nito dahil may malaking bahagi ang gobyerno sa kinikita mula sa gas field.

Idinagdag ni Cruz, maliban kung ang CSP ay permanenteng ititigil ng hukuman, at ang mga kompanyang nagge-generate ng koryente gamit ang imported LNG at coal ang mangunguna sa sektor ng enerhiya na nagtatangkang labagin ang ilang layunin ng gobyerno —paliitin ang polusyon, babaan ang mga singilin sa koryente at itaguyod ang lokal na industriya ng fuel.

Binigyang-diin ni Cruz, mahalaga ang suporta para sa proyektong Malampaya at ang consortium na nagpapatakbo nito.

Sinabi ng ehekutibo ng Prime Energy na kumikita ang pambansang gobyerno ng 60 porsiyento mula sa ng neto ng benta ng Malampaya at hanggang ngayon ay nakatatanggap nang higit sa $13 bilyon mula sa operasyon ng gas field.

Isinaad sa petisyon na ang Meralco’s terms of reference (TOR) ay dapat pigilan ng hukuman dahil nilabag nito ang patakaran ng estado at ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nagmamandato pabor sa katutubong gas bilang panggatong sa pag-generate ng koryente.

“Worse, the Meralco TOR incorporated terms and conditions which practically deny the power suppliers using ING (indigenous natural gas) as a fuel source the opportunity to fairly participate,” punto ng petisyon.

Sinabi nito na kung hindi titigil ang Meralco CSP, ilalagay nito ang Filipinas “sa isang sitwasyon na ang isang malaking bahagi ng supply ng koryente ay mapupunta sa kamay ng imported coal at imported LNG.” (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …