Friday , April 18 2025
OCTA Research
OCTA Research

‘Epal’ ng OCTA kinuwestiyon ng House leaders

NANINDIGAN ang mga lider ng Kamara na ibubunyag nila ang mga tao sa likod ng OCTA Research na sumikat sa paglalabas ng umano’y nalalaman nila patungkol sa pandemyang CoVid-19.

Ayon kay House Deputy Speaker at BUHAY Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza, Jr., may “continuing effort” na itago ang mga tunay na tao sa likod nito habang patuloy ang paglalabas ng “CoVid-19 pronouncements and projections.”

“There is a continuing effort to hide their faces behind a mask. ‘Yung amin, pagsisikap lang para malaman ng taongbayan, sino itong OCTA at ano ba talaga ang pakay nito?” ani Atienza sa lingguhang Ugnayan sa Batasan media forum kahapon.

Aniya, “Secret financiers of OCTA should properly be unmasked, upang malaman ang tunay na pakay ng grupo.”

“Definitely may nagpopondo riyan. ‘Pag magpa-survey ka, it will cost you at least P500,000, P1 million. I don’t think anyone is doing any survey for free. So mayroong nagpopondo. Sino? E tingnan natin, sino nakikinabang sa trabaho ng OCTA,” anang beteranong mambabatas.

Sa parehong forum, binatikos din ni DIWA Rep. Michael Aglipay, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang OCTA sa paglalabas ng  projections na tinawag niyang ‘exaggerated’ at nagmumukhang mga komentarista sa radyo.

Naunang inimbestigahan ng Kamara ang OCTA habang inaalam ang “credentials and methodologies for analyzing data and predicting trends in the country’s CoVid-19 cases.”

Ang komite ni Aglipay, ang nangasiwa sa imbestigasyon base sa resolusyon na isinumite nina Deputy Speakers Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon Party-list, at Kristine Singson-Meehan ngn Ilocos Sur, 2nd District; Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo, Marikina, 2nd District; at Reps. Sharon Garin ng AAMBIS-OWA Party-list, at Jesus “Bong” Suntay ng Quezon City, 4th District.

Paliwanag ni Aglipay, walang balak i-censor ng Kamara ang OCTA, habang nagbabala na dapat iwasang maglabas ng report na pinapalabas bilang opisyal kahit wala itong awtoridad mula sa gobyerno.

“Never tayong mag-a-abridge ng right to speak. They can speak anytime, they can speak nonsense and they can speak against the government,” ani Aglipay.

“Ang ayaw natin ‘yong they are speaking officially, which they are not. They are not even part of the sub-technical working group on statistics of DOH and IATF. They have no official role.

“Let science speak for itself, maging objective lang tayo. ‘Wag masyadong komentaryo parang radio announcer na sila e,” giit ni Aglipay.

Dahil umano rito nagkakaroon ng malawakang impluwensiya ang OCTA sa gobyerno at sa taongbayan.

“Napakalaki ng influence nila. Kung ano ang sinasabi nila, tinatanggap ng gobyerno, sinasalamin ng DOH, natatakot ang tao,” ani Atienza.

“The issue is more fundamental: ano ang kanilang authority to be speaking in the time of a pandemic? Sabi ko nga para tayong nasa gera nito, we are at war with the virus. Emergency situation ito. Bakit bigla na lamang silang kasali sa usapan? They’re speaking for and in behalf of what?” tanong ni Atienza.

Giit ni Atienza, isa lamang ang pinangagalingan ng impormasyon sa panahon ng pandemya.

“We cannot allow just anybody on the basis of good intention to now get into the picture. In times of war, there should only be one source of information. You cannot allow anybody to speak for and in behalf of the two forces fighting it out,” diin ng mambabatas. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *