Friday , November 14 2025
Robin Padilla
Robin Padilla

Robin ayaw mabaon sa utang at maging corrupt

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

NAG-AAMBISYON pala si Robin Padilla na maging governor ng Camarines Norte (na balwarte ng mga Villafuerte), pero napag-alaman n’yang P150-M ang kailangang budget ng isang kandidato para sa ganoong posisyon para makatiyak ng panalo kaya’t biglang nagbago ang isip n’ya. 

Akala n’ya ay P10-M–P20-M lang ang kailangan niyang budget sa kampanya at makakaya na n’yang malikom ‘yon sa iba’t ibang paraan–kabilang na ang pagbebenta ng ari-arian nila ng misis n’yang si Mariel Rodriguez at pangungutang sa mga tao na malaki ang pagtitiwala sa kanilang mag-asawa. 

Mahabang lahad ng aktor sa interbyu sa kanya ng asawang si Mariel  para sa YouTube channel nito: “Nagparehistro pa nga ako sa Bicol kasi ang nasa isip ko, P10-M, P20-M , siguro kaya naman utang-utangin ‘yon.

“Twenty million, mayroon ka naman naitago, hindi naman ako naniniwala na ginastos mo lahat.

“Sinabi sa akin, P150-M [ang kailangan] sa local government, governor.’ Yun pa raw ang pinakamaliit.

“Sabi ko, ‘Teka muna!’ Ibig mong sabihin, kung magbebenta ka ng ari-arian para pondohan ‘yung pagkandidato na ‘yon, sabihin na natin na nanalo ka…”

May dugtong pa sana ang analysis ni Robin pero si Mariel na ang nagsalita.

Sundot ng dating It’s Showtime host: “Ako na ang magsasabi. Ang mangyayari, mapipilitan ka talagang maging corrupt kasi babawiin ‘yung bahay.

“Alangang pumayag na lang ako, ibinenta natin ‘yung mga ari-arian natin, tapos nawala na lahat dahil ikinampanya natin. O ‘di ba, siyempre kailangan bumalik ‘yon.

“Doon ngayon papasok ‘yung corruption!”

Dahil hindi na matutuloy ang pagkakandidato ni Robin sa Camarines Norte, humingi ng paumanhin si Robin  sa mga kababayan na umasang tatakbo siya sa eleksiyon sa susunod na taon.

Saad niya, “Hindi tama, so nagdesisyon na ako.

“Kaya sa mga kababayan po natin sa Camarines Norte, patawarin niyo po ako na hindi ko po kaya.

“Kung gusto ko pong magdala ng pagbabago sa inyo, dapat, umpisa pa lang. Pagpasok ko pa lang, pagbabago na kaagad.

“Hindi ‘yung mangangako ako, ganito, ganito, ganito, bola ‘yon.”

Sinamantala naman ni Mariel ang pagkakataon para linawin sa lahat na mali ang akala na inuubos niya ang pera ng kanyang asawa.

Giit ni Mariel, “I-clear natin sa kanila na ‘yung pera ko, pera ko. ‘Yung pera mo, pera mo.

“Pero siya [Robin] ang nagbibigay ng para sa amin dito sa bahay.

“Pero ‘yung mga luho ko, lahat ng mga damit na binibili ko na mamahalin sa mga anak ko. But anything luxury, anything out of the necessity, sa akin ‘yon galing.

“Kasi minsan, sinasabi nila, baka inuubos ko raw ‘yung pera mo.

“Itong mga kalokohan ko, akin ‘yon ‘no! Hello!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

GMA Kapuso Foundation GMAKF

GMA Kapuso Foundation walang tigil sa paghahatid ng tulong

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang buong puwersa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa paghahatid ng tulong …

Rodjun Cruz Kryzl Jorge Liezl Jorge Purple Hearts vitamins

Rodjun blessing ang Purple Hearts

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND winners sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos na grand finals ng Stars On …

Min Bernardo Kathryn Bernardo

Ina ni Kathryn pumalag, ipinagtanggol ang anak

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni Mommy Min Bernardo, ang mga post na gamit ang larawan …

Atty Joji Alonso Unmarry Min bernardo Kathryn Bernardo

Atty Joji pinahalagahan tulong ni Mommy Min sa pagbuo istorya ng Unmarry

I-FLEXni Jun Nardo KINOMPIRMA sa amin ng lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso na isa sa producer …