Sunday , May 19 2024
Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Pasabog ni Aljur laban kay Kylie nag-boomerang

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ILANG buwang nag-ipon ng lakas si Aljur Abrenica bago nito isapubliko kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating asawang si Kylie Padilla.

Hindi madali para sa isang lalaki na aminin na kinaliwa siya ng babae dahil kahit na anong mangyari ay sa kanya pa rin magbo-boomerang ang lahat tulad na nga lang sa pasabog ni Aljur na may karelasyon ngayon si Kylie.

Parte ng post ng aktor, “Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now.”

Imbes na makuha ni Aljur ang simpatiya ng karamihan ay nabigo siya dahil halos lahat ng nabasa naming komento sa post niya ay sinabihan siyang hindi niya dapat ginawa ‘yun dahil ina pa rin si Kylie ng mga anak nilang sina Axl Romeo at Alas.

Ang ilan sa mga nabasa naming komento:

Mula kay @Mari Lou, “I hope your SONs, when they grow up will be proud to say that you are their father… after you lambasted their mother in public. God bless you! (emoji praying hands and sad face).”

Say ni @Bryan Mendezabal, “Cheating is not the solution if someone cheated on you. Fix it instead of committing another mistake. Shame on you Aljur!”

May nagsabi namang dapat inayos muna ng aktor ang problema bago siya nag-girlfriend sabi ni @Jackie Azada Dela Cruz, “Even Kylie who cheated first if you love her and your children you must fix your family not go to another girl that’s fast..”

May mga kumampi naman sa aktor.

Para kay @Enna-Eam Yagnun Aredeca, “Dapat ‘wag Puro si Aljur ang sisihin..’wag kayo one sided alamin niyo muna both side bago niyo husgahan.”

At napansin naman ang pagiging deadma ni Kylie nang malamang may AJ Raval na ang aktor @Rachel Figueroa, “Bilang babae, ang fishy talaga sakin ng mga reactions ni Kylie, kasi ang babae di gano’n mag-react na parang okay lang. HAHAHAHA. Ito talaga ‘yung sinasabi ko nauna nakipagdate si Kylie di lang talaga nagpopost. Hirap kasi satin, kapag ang lalake ang nagloko no but’s no if’s lagi sasabihin cheating is wrong pero pag ang babae ang nagloko sasabihin kesyo baka nagkulang si bf baka napagod lang. Anyways, buhay nila ‘yan wala pa tayong alam din naman. (emoji smiling face).

Ayon sa aming source, ilang beses sinubukang ayusin ni Aljur ang pagsasama nila ni Kylie para sa mga anak at ayaw din ng aktor ng hindi buo ang pamilya pero ang aktres na ang umayaw kaya wala ng nagawa pa ang aktor.

Kaya pala may post noon si Aljur buwan ng Hulyo na nasa bar siya at umiinom kasama ang kaibigan na ang caption ay, “Chill night great food and experience.”

At nitong Setyembre ay muli siyang nag-post na nasa terrace siya at nagkakape, “It is important to take time for yourself and find peace (emoji blue heart).”

Samantala, nag-tweet naman si Kylie nitong Martes ng gabi na pabor siya sa divorce. “#passdivorcebill.”

Isinulat namin dito sa HATAW na gusto ni senatorial candidate Raffy Tulfo na isabatas ang diborsyo sa Pilipinas para sa mga OFW na namroroblema sa kanilang mga asawa na ilang taon silang nagtatrabaho sa ibang bansa pagbalik nila ng Pilipinas ay may iba na pala.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 202k shares, 33k komento, at 454k engagement ang FRB post ni Aljur na hinamon niya si Kylie na magsabi ng tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Sa kasalukuyan ay walang follow-up post ang aktor at wala ring cryptic messages si Kylie at higit sa lahat, walang reaksiyon ang ama ng aktres na si Robin Padilla.

About Reggee Bonoan

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …