Saturday , April 1 2023
Kylie Padilla, Andrea Torres

Andrea pinuri ang pagiging hands-on mom ni Kylie

Rated R
ni Rommel Gonzales

IKINAGULAT at ikinatuwa ni Andrea Torres na maganda ang pagtanggap ng publiko sa “loveteam” nila ni Kylie Padilla.

“Nagulat kami, nagulat kami sa reception. And even ‘yung mga kasama namin sa ‘BetCin,’ nagulat sila na ganito iyong reaction ng mga tao,” umpisang pahayag ni Andrea.

Isang mini-series na may walong episodes ang BetCin na mga bida sina Andrea at Kylie. Palabas ito ngayong Oktubre sa WeTV at iFlix.

“Kasi ngayon, gumagawa na rin sila ng mga art work. ‘Tapos talagang nagpaparamdam sila. Happy na ‘yung set, pero mas lalo pang happy. Lalo kayong driven kasi nga nababasa niyo ‘yung mga ganoon.

“Happy ako kay Kylie kasi feeling ko, ito ‘yung perfect comeback sa kanya.”

Kuwento pa ni Andrea, dahil isang tomboy sa serye si Kylie ay naging kamukha ito ng ama nitong si Robin Padilla.

“Bagay na bagay sa kanya, as in!

“’Tapos may mga anggulo siya na Robin Padilla. Mayroon talaga siyang anggulo. Sabi ko, ‘Kylie, kamukha mo ang Daddy mo,’” at tumawa si Andrea.

Hulyo ngayong 2021 nila ginawa ang BetCin at kakahiwalay lamang noon nina Kylie at mister nitong si Aljur Abrenica. At noong mga panahong iyon ay ganap namang naka-move on na si Andrea sa hiwalayan nila ni Derek Ramsay.

Humingi ba o binigyan ba niya ng payo si Kylie kung paano mabilis na maka-move on?

“Hindi naman. Noong dumating siya, parang nag-mature siya. Tinatanong nga nila ako kung ano ang advice ko kay Kylie, sabi ko, hindi na niya kailangan. Kasi parang strong woman siya talaga.”

Ten years ago ay nagkatrabaho sila ni Kylie sa Blusang Itim ng GMA.

“Natutuwa ako sa kanya kasi siyempre, noong nakasama ko siya sa soap, saglit lang. Tapos nakikita ko siya ngayong magkasama kami sa lock-in, maya’t maya talaga siyang tumatawag sa mga kids niya.

“Hands-on talaga siya and she came prepared.”

Pareho sila ni Kylie na naka-focus, during their lock in taping ng BetCin, sa kanilang mga karakter bilang si Beth (Kylie) at si Cindy (Andrea).

“Okay na okay talaga siya. Ang gaan niyang kasama. Laging nakangiti, ang daling patawanin. 

“Wala siyang pakialam kung ano ang magiging hitsura niya. Parang ang gusto niya, yung emotion talaga.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

Tiffany at Jiad bibida sa Paupahan

RATED Rni Rommel Gonzales MAPANLINLANG ang panlabas na anyo at ang mababangong salita. Sa pelikulang Paupahan, …

David Licauco Barbie Forteza

David natutunan na mahalagang nakikipag-usap sa mga mahal sa buhay

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke na pinagbibidahan nina David …

Shira Tweg Sharon Cuneta Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Shira Tweg tuwang-tuwa sa pagiging Sharon Cuneta

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW ang talento ng baguhang young star na si Shira Tweg, alaga ng …

Kiray Celis Anne Barreto Red Era

Kiray ayaw pang mag-asawa, pamilya ang prioridad

MATABILni John Fontanilla WALA pang balak pakasal sa ngayon ang mahusay na Kapuso aktres na si Kiray Celis, …

Enchong Dee Here Comes The Groom 2

Enchong tiyak na makasusungkit ng award sa Here Comes The Groom

“ANG hirap maging babae!” Ito ang naibulalas ni Enchong Dee sa isinagawang mediacon pagkatapos ng special screening ng Here …