Monday , December 15 2025

Recent Posts

Kabesa todas sa killer-tandem (Tinaniman ng bala sa ulo habang pula ang traffic light)

TODAS ang Barangay Chairman nang barilin sa ulo ng riding-in tandem habang sakay ng kanyang DMax sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa. Dead-on-the-spot ang biktimang si Rodrigo Cruz ng District 3, residente ng 2636 Severino St., Sta Cruz, Maynila sanhi ng isang tama ng bala sa tagiliran ng ulo. Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District – Homicide …

Read More »

Pinoy peacekeepers nakatakas sa Syrian rebels (Golan Heights ‘di tatalikuran)

NASA ligtas nang lugar sa Golan Heights ang Filipino peacekeepers na nakatakas makaraan ang pitong oras na sagupaan laban sa Syrian rebels. Ito ang kompirmasyon ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang sa press confenrence sa Camp Aguinaldo kahapon ng umaga. Tinawag ni Catapang na “The greatest escape” ang ginawa ng Filipino peacekeepers nang matakasan ang natutulog na mga …

Read More »

Nagbirong nalulunod tinedyer natuluyan sa Manila Bay

MAKARAAN magbirong nalulunod, natuluyan ang isang 17-anyos estudyante habang naliligo sa Manila Bay kasama ang 12 kabataan kahapon ng umaga sa Maynila. Patay na bago idating sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Marvin Cuaresma, 17, ng 1421 P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), dakong 7:30 a.m., …

Read More »