Thursday , June 4 2026

P2-M shabu kompiskado sa bigtime tulak

080614 drugs shabu arrestUMAABOT sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nadakip na bigtime drug pusher sa Guinobatan, Albay kamakalawa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., umaabot sa 400 gramo ng high grade shabu ang nakompiska sa suspek na si Romeo Nozares Sr., nasa hustong gulang.

Nasakote ang suspek sa Brgy. San Raphael ng nabatid na bayan sa anti-drug operation ang mga ahente ng PDEA.

Napag-alaman sa opisyal, bukod sa lalawigan ng Albay, sakop din bagsakan ng droga ng suspek ang karatig lalawigan ng Camarines Sur at Sorsogon.

Sinasabing matagal nang nasa watchlist ng PDEA ang suspek dahil sa malakihang mga transaksyon ng illegal na droga at naaresto na noong nakaraang taon ngunit pinayagang makapag-pi-yansa ng korte. Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …