Thursday , April 25 2024

Danny Vibas

Pagkakawanggawa ni Greta, ititigil na

NAG-LIVE video sila sa Facebook at sa Instagram nitong Tuesday (June 12), mga 9:00 p.m., para i-announce ang pagputol nila ng project na ‘yon na nauuwi lang sa matinding pamba-bash kay Gretchen Barretto at sa mga kaibigan. Pero habang inia-announce nila ang pagku-quit nila, may netizens na nagsususumamong ang pagla-live video na lang ang itigil nila pero huwag ang pagga-grant ng wish. Dahil …

Read More »

Nakalulula si Anne Curtis ngayon!

MAHIRAP sigurong bilangin ang mga kabutihang nagagawa at naidudulot ni Anne Curtis sa kapwatao n’ya at sa madla. Pumapailanlang siya sa rami ng blessings na dumarating sa kanya. Hit na hit, naka-P100,000 plus na ang box office gross, ang pelikula nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya (Not a Love Story). Nangyari ‘yon kahit na maikling panahon lang na nai-publicize at nai-promote ang pelikula. Ilang …

Read More »

Agot, mas sabik gumawa ng maraming pelikula kaysa tumakbo sa Senado

MAS nakatutuwa si Agot Isidro ngayon kaysa noon (kahit na okey naman siya, warm and friendly kahit noon pa). Mas kapuri-puri siya hindi dahil kapapanalo lang niya ng best actress sa FAMAS para sa pagganap n’ya ng dalawang role sa pelikulang Changing Partners: isang matronang pumatol sa binatang 25 years old, at isang may-edad nang lesbiyanang pumatol sa isang dalagang 25 years old lang din. …

Read More »

Kris, ‘di pala pinamahan ni Tita Cory

“I  was never part of the inheritance. Let’s be clear…” Deklarasyon ni Kris Aquino ‘yan. Ang pina­patungkulan n’ya ay kung may namana ba siya o wala mula sa butihin n’yang ina, ang yumaong President Corazon “Cory” Aquino. Wala umanong ipinamana sa kanya ang butihin n’yang ina. Ginawa ni Kris ang pahayag na ‘yan sa isang rare live interview with Cristy Fermin kamakailan sa radio show …

Read More »

Kris, disente pa ring magsalita kahit galit at hinahamon si Mocha

GALIT na si Kris Aquino—at baka muhing-muhi pa nga—kay Mocha Uson, ang Presidential Communications Assistant Secretary, hinahamon at binabantaan na nga niya ito, pero nanatiling disente at kontralado ang bokabularyo at tono niya sa dalawang pangangastigo n’ya sa dating sexy singer-entertainer. “I am giving you fair warning, isa pa na bastusin o babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, …

Read More »

Sexual harassment, uso ba sa Pinoy showbiz?

sexual harrassment hipo

ALAM n’yo bang mula noong Nobyembre ng nakaraang taon hanggang ngayong buwan ng Mayo, halos 200 lalaki at bading na celebrities sa Amerika ang inakusahan ng sexual misconduct ng mga artista at ordinaryong tao na empleado ng mga nagpaparatang sa kanila? Ang ilan sa mga inakusahan sa (traditional) media o sa social media network ay kinasuhan din talaga sa korte. …

Read More »

‘Pagkahibang’ ni Sharon kay Gong Yoo, effective para ‘di emotera

MAY bagong gimmick si Sharon Cuneta kaugnay ng “pagka­hibang” n’ya sa Korean idol na si Gong Yoo: nagpo-post siya sa Instagram n’ya ng pinag­sama n’yang litrato nila ng aktor. May nakapagturo yata sa kanya kung paano pagsamahin sa isang lugar, o pagtabihin, ang dalawang tao na magkahiwalay at maaaring ni hindi magkakilala. Kaya, hayun, post siya nang post ng litrato nilang magkasama. ‘Yung unang …

Read More »

Iyak ni Sarah, ‘I feel empty’

Sarah Geronimo

“Bakit I feel empty?” ‘Yan ang pahayag ni Sarah Geronimo bago siya nag-breakdown sa concert n’ya sa Las Vegas noong April 29, na nauwi sa pagtakbo n’ya sa backstage presumably para humagulgol. May fans siya roon sa Las Vegas na agad nakapag-post sa You Tube at sa Instagram ng bahaging ‘yon ng concert ni Sarah sa Cannery Hotel & Casino. …

Read More »

Galit ni Kris, humupa na

NAG-APOLOGIZE naman si Kris Aquino sa lahat ng parang nadamay sa ngitngit n’ya kay Korina Sanchez at sa Rated K dahil isinali nito si James Yap sa isang feature report n’ya sa show kamakailan. Biglang parang diring-diri nga si Kris kay Korina dahil ni ayaw n’yang banggitin ang pangalan nito sa posting n’ya sa Instagram. ”Misis ni Mar Roxas” ang itinawag n’ya kay Korina na nagniningning ang kagandahan sa panahong ito …

Read More »

Kris, greatest achievements sina Josh at Bimb

KAHAPON, nagsimulang magsyuting si Kris Aquino sa balik-Star Cinema project n’yang I Love You, Haterna makakasama n’ya ang mag-sweetheart na sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Umaga pa lang ng Martes (April 24),  nag-post na siya sa Instagram n’ya tungkol sa first day shooting n’ya at tungkol sa kahalagahan sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Video nilang mag-iina na nagba-bonding ang ipinaskil n’ya, actually. Ang dalawang anak n’ya ang …

Read More »

Lea Salonga, nagtataray o nagmamalasakit?

Lea Salonga

“ENUNCIATE!”  ‘Yan ang payo ng Pinoy Broadway star na si Lea Salonga sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga call center. Isang payo na nag-viral na sa netizens: pinupuna, sinasang-ayunan, pinagtatalunan. “Bumigkas ng malinaw” ang ibig sabihin ng “enunciate.” Huwag magsalita ng pa-wurs- wurs. Huwag nguyain ang mga pantig (syllables) na bumubuo ng bawat salita. Nagtataray ba si, Lea o nagmamalasakit? Nagmamalasakit siya, …

Read More »

Joshua, humanga lang, ‘di intensiyong manloko

KAWAWANG Joshua Garcia! Binabantaan na siya ni Dennis Padilla na mag-aala—action star ‘pag nagtangka uli ang actor na “pagtaksilan” at “paiyakin” ang anak na si Julia Barretto na girlfriend nga ni Josh in real life. Biktima si Josh ng innocence n’ya kung paano tratratuhin ng madla ang celebrities na gaya n’ya. Akala n’ya, pag nag-private message (PM) siya sa isang tao, hindi ibubuyangyang ‘yon ng …

Read More »

Hubad na katawan nina James at Nadine, itinambad sa Phi Phi Islands

Jadine James Reid Nadine Lustre Phi Phi Islands

ANG suwerte naman nina Nadine Lustre at James Reid: naiibigan na nga ng mga critic ang pelikula nilang Never Not Love You, gustong-gusto rin ‘yon ng madla. Bihira ang pelikulang ganoon ang kapalaran! At para ipagdiwang ang double victory nila, sumugod sa Thailand ang magsing-irog na itinambad nila ang kanilang mga katawan sa karagatan at ningning ng araw. Nag-swimming at nag-diving sila sa Phi …

Read More »

Regalong sweater ni Sharon kay Kris, P89K ang halaga

Sharon Cuneta Kris Aquino Oscar de la Renta wool sweater

NIREGALUHAN ni Sharon Cuneta ang matagal na rin pala n’yang kaibigang si Kris Aquino ng Oscar de la Renta wool sweater na umano’y nagkakahalaga ng P89,000! Ipinost ni Kris sa Instagram n’ya (@krisaquino) ang litrato ng sweater at nilagyan ng mahabang caption na nagkukuwento tungkol sa pagiging magkaibigan nila ng megastar at kung kailan siya nagsimulang maging fan nito. Noong …

Read More »

Robin, nanulak ng banyaga nang itulak ang Pinay

NAKABIBILIB ang pagmamalasakit ni Robin Padilla sa kapwa n’ya Filipino: nakunan siya ng video noong itulak n’ya ang isang banyagang Puti na siningitan ang isang Pinay para maunang makapag-selfie na kasama ang aktor. Hinawi niyong foreigner, na inireport din na lasing, ang Pinay. Inireport ito ng news website na Coconuts Manila noong February 26 (Lunes) bagama’t noong Linggo (Feb.25) pa nangyari ang insidente sa …

Read More »

Go, idolo ni Robin

SUMUGOD pala sa Senado si Robin Padilla para bigyan ng moral support ang special assistant to the President na si Christopher “Bong” Go na ipinatawag ng mga senador para magbigay linaw sa umano’y pakikialam (interference) n’ya  sa Philippine Navy frigate deal. Matagal na umanong iniidolo ng aktor si Go, at ang tawag pa nito sa Special Assistant ay “General Emilio Jacinto” ng makabagong panahon. …

Read More »

Paolo, gustong maging leading man si Piolo

KUNG may mag-aalok, handa pala si Paolo Ballesteros na maging leading man n’ya si Piolo Pascual sa isang pelikula. At okey na okey din sa kanya sakaling may mag-alok na maki-trayanggulo siya kina Piolo at Mark Bautista.  Simpleng Tatsulok ang mairerekomenda n’yang titulo ng pelikula. “Hypothetical” lang, ‘yung tipong “Paano kung…” ang mga tanong na sinagot ni Paolo sa sideline ng press conference kamakailan para sa latest …

Read More »

Janella, nagiging suwail na raw dahil kay Elmo

PATULOY palang ‘di pa nagkakasundo ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador dahil sa pagkahumaling ng batang aktres sa batang aktor. May panahong ipino-post ni Jenine sa Facebook n’ya ang tungkol sa katigasan ng ulo ni Janella kapag may kinalaman sa relasyon n’ya kay Elmo Magalona. Nagiging suwail na raw si Janella dahil sa relasyon n’ya sa anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona. …

Read More »

Parunggit ni Ellen kay Angelica: May iniiwanan, may ipinapalit…

Angelica Panganiban john Lloyd Cruz Ellen Adarna

MUKHANG napuno na si Ellen Adarna sa pagpaparunggit ni Angelica Panganiban na inagaw lang nito siJohn Lloyd Cruz sa kanya. At ang parang naging last straw sa pagtitiis ng umano’y buntis na aktres ay ang Instagram post ni Angelica tungkol sa isang libro na ang Foreword ay siya ang nahilingang sumulat. Tsika ni Angelica, ”Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Ito na lang kaya pag-tripan natin? Bumili tayo …

Read More »

Sharon, nasa cloud 9 dahil sa mensahe ni Digong

sharon cuneta Duterte

ANG saya-saya ni Sharon Cuneta sa mga araw na ito. Bukod sa nataranta ang madla sa pagkagusto sa reunion TV commercial nila ng ex-husband n’yang si Gabby Concepcion, pinadalhan pa siya ni no less than President Rodrigo Duterte ng video greetings. Agad ngang ipinost ng megastar ang video na ‘yon sa kanyang  Instagram na @reallysharoncuneta, must be feeling like she’s on cloud nine right now. …

Read More »

BF ni Maja, join sa world tour concert

Maja Salvador world tour concert

INI-ANNOUNCE ni Maja Salvador na sa February 23 na magsisimula ang world concert tour n’ya sa Oklahoma, USA at susundan ng isa pa sa Las Vegas naman (sa Amerika rin) sa February 25. Sa  Instagram n’yang  @iammajasalvador ini-annnounce ni Maja ang pagsisimula ng world tour n’ya. Sina Joseph Marco, Vin Abrenica, RK Bagatsing, at Pooh ang mga guest performer sa dalawang pagtatanghal na ‘yon. Claremore Conference …

Read More »

John Lloyd, iiwan na rin ang IG (susunod kay Ellen)

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

ABA, parang handa nang malaos si Ellen Adarna! Itinigil n’ya sa mismong Valentine’s Day ang Instagram n’ya! Kundi na siya mag-i-Instagram, paano siya mananatili sa kamalayan ng madla na sabik libangin ang mga sarili nila tungkol sa anumang kaganapan sa buhay ng mga artista at iba pang showbiz idols? O balak ba n’yang isawsaw na lang ang sarili n’ya sa …

Read More »

Development ng career ni Sharon, bumilis (dahil sa commercial nila ni Gabby)

Sharon Cuneta Gabby Concepcion

NOONG 10:00 p.m. ng Martes, ini-announce ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram na @reallysharoncuneta na naka-iskedyul nang magsimula ang kanyang Mega Tour sa SMX Bacolod sa June 1, 2018. Mukhang bumibilis ang mga development sa career ng megastar. Maaaring resulta iyon ng matindi at napakalawak na pagtanggap ng madla sa McDonald commercial ng ex- couple na Sharon at Gabby Concepcion. Maaaring …

Read More »

Bagong movie ng JaDine, true-to-life

PARANG true-to-life sa buhay mismo nina Nadine Lustre at James Reid ang istorya ng forthcoming film nilang Never Not Love You. Nag-release na ang Viva Entertainment sa ilang TV networks at sa social media ng unang teaser para sa pelikula na may mge eksenang kinunan sa Italy. Ayon sa report ng CNN online, na nagbalita tungkol sa trailer ng pelikula, mag-sweetheart sina Nadine at James sa istorya, at …

Read More »