Monday , June 24 2024
Jadine James Reid Nadine Lustre Phi Phi Islands
Jadine James Reid Nadine Lustre Phi Phi Islands

Hubad na katawan nina James at Nadine, itinambad sa Phi Phi Islands

ANG suwerte naman nina Nadine Lustre at James Reid: naiibigan na nga ng mga critic ang pelikula nilang Never Not Love You, gustong-gusto rin ‘yon ng madla.

Bihira ang pelikulang ganoon ang kapalaran!

At para ipagdiwang ang double victory nila, sumugod sa Thailand ang magsing-irog na itinambad nila ang kanilang mga katawan sa karagatan at ningning ng araw.

Nag-swimming at nag-diving sila sa Phi Phi Islands. 

Kung gusto n’yong makita ang mga katakam-takam nilang larawan, tunghayan n’yo ‘yon sa Instagram ni Nadine na simpleng @nadine ang tawag.

Yung napakaseksi nilang litratong naka-kapirasong bikini lang si Nadine ay nakatanggap na ng higit sa 500,000 LIKES noong huli naming sinulyapan.

Pero kung wala kayong Instagram, puwede n’yo ring pagpiyestahan ang halos hubad ng larawan niyong magsing-irog sa April 5 edition sa Internet ng Inquirer. Ang address ay: www.inquirer. net.

The 24-year-old actress dove into the island group’s crystal-clear waters where she swam among the fishes,” ulat ng Inquirer.

Best travel buddy I could ever ask for,” papuri naman ni Nadine kay James sa caption n’ya sa litrato nilang dalawa na halos hubad na.

They even shared a romantic photo of them holding hands with matching woven bracelets,” ulat pa ng Inquirer.

Pero may shot din naman si Nadine na nakadamit siya. Nag-pose siya sa harap ng Wat Chalong, ang pinakamalaking templo sa Phuket.

Hala na, mag-Instagram na o mag-Inquirer on line para mapagsawaan n’yo ang mga seksing larawan nina Nadine at James.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *