Friday , May 3 2024

Danny Vibas

Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon

Sharon Cuneta Gabby Concepcion

MAPANGGULAT na pala ngayon itong si Gabby Concepcion. Kundi pa dahil sa promo interviews sa kanya para sa partisipasyon n’ya sa Gabay Guro project ng PLDT-Smart ‘di mapapabalitang may ginagawa pala silang pelikula ni Jodi Sta. Maria na posibleng maging entry sa darating na Metro Manila Film Festival. Nakagugulat ‘yon, ‘di ba? Man and Wife ang titulo ng pelikula, at …

Read More »

Joel Lamangan, aarte sa entablado

Joel Lamangan

DALAWANG weekends na magiging batikang aktor si Joel Lamangan. Opo, si Joel Lamangan na premyadong direktor sa pelikula, sa telebisyon, at sa teatro (stage). Pero hindi sa pelikula at hindi rin sa TV aarte si Direk. Sa teatro siya aarte—na walang “cut!” at take 2 sakaling magkamali siya. Pero hindi acceptable na magkamali siya—dahil siya ang bida sa Ang Buhay …

Read More »

Pia, kauna-unahang Miss Universe na magkakaroon ng wax statue sa isang sikat na wax museum

Pia Wurtzbach Madame Tussauds

MAY lamang na, kumbaga, si Pia Wurtzbach sa mga kapwa Pinay n’ya na naging Miss Universe. Magkakaroon na siya ng wax statue sa napakasikat na wax museum na ang simpleng pangalan ay Madame Tussauds. Mga sikat sa buong mundo ang may wax statues sa iba’t ibang bansa sa Madame Tussauds. Mga royalties ng United Kingdom, US presidents, heroes ng World History, sports heroes, international …

Read More »

Pinoy, wagi sa Primetime Emmy Awards

Darren Criss Emmy Awards

SA wakas, may aktor ng may dugong Pinoy na nagwagi sa Primetime Emmy Awards para sa mga Kano. Si Darren Criss,  na ang nanay ay tubong Cebu, ay pinarangalan bilang Outstanding Lead Actor in a Limited Series or Movie sa Primetimy Emmy Awards noong September 17 sa Amerika. Idinaos ang awards night sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California. Ang Emmy Awards ay itinuturing na pinaka-prestigious na TV …

Read More »

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria.  Ang babaeng may anak na, hiwalay na sa asawa, napakayaman na, nakipag-break sa boyfriend nyang napakayaman din at guwapo (si Jolo Revilla), at 36 years old na, nagtitiyaga pa ring makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Pero ‘di naman talaga nagtitiyaga lang …

Read More »

Kylie sa pagbisita ng inang si Liezl — Seeing her with Alas is like feeling safe

Kylie Padilla Liezl Sicangco Alas

BAKA nasa Pilipinas pa ang ex-wife ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco at nasa tahanan ng anak nilang si Kylie Padilla, ang live-in partner nitong si Aljur Abrenica, at ang anak nilang si Alas Joaquin. Tahimik na dumating sa bansa si Liezl  kamakailan. At kaya lang napag-alaman ng madla ang pagdating dahil ipinost ni Kylie sa Instagram ang litrato ng butihin n’yang ina na kasama ang anak n’yang …

Read More »

Sharon, boto sa kasalukuyang BF ni KC

Sharon Cuneta KC Concepcion Pierre Plassant

PARANG takot na takot si Sharon Cuneta na tumandang dalaga ang panganay n’yang anak na si KC Concepcion. Inang-ina pa rin siya kay KC na halos 40 years old na, may sarili nang negosyo, at nakakapunta sa ibang bansa anumang oras. Nakipagbalikan si KC sa boyfriend n’yang Frenchman na si Pierre Plassant na isang direktor sa Paris. Pinapunta siya roon ni Pierre para samahan siyang …

Read More »

Heart, sa NY naman rarampa

Heart Evangelista Sequoia

INTERNATIONAL fashion icon na si Heart Evangelista. Endorser na siya sa isang fashion house sa Paris, France, na siya pa ring itinuturing na fashion capital of the world. Sequoia ang brand na ineendoso ni Heart. Leather handbags ang espesyalisasyon ng Sequoia. ‘Luxury French label’ naman ang description mismo ni Heart sa mga produkto ng Sequoia. (May Sequoia Hotel sa Quezon City pero …

Read More »

Pagpapaalis kay Kim sa upuan, ‘di big deal

Kim Chiu Xian Lim Sarah Geronimo James Reid miss granny

SABI ng isang kaibigan na mas masugid pang tagasubaybay ng showbiz kaysa amin, si Kim Chiu talaga ang may pinakamagandang karma sa mga kasabayan n’ya sa showbiz. Kasi nga, wala pang pelikula ang young Fil-Chinese actress na nag-flop sa takilya. Pero ‘di naman nakapagtatakang laging good karma si Kim. Napaka-forgiving n’ya kasi at walang bahid ng kasupladahan at katarayan. Sa …

Read More »

Bela at JC, nagpipilit sumaya

Bela Padilla JC Santos

MAY mensahe bang may saysay ang A Day After Valentine’s? Oo. Mayroon. Ang mensahe ng pelikula: Nagiging lubos lang ang kaligayahan ng tao ‘pag nagpatawad na siya at nag-move on mula sa nakaraan nang wala nang muhi sa mga nagkasala sa kanya. Isa sa dalawang pangunahing tauhan ay nagpipilit lang na magmukhang masaya at mabait sa kapwa tao. Pero sa …

Read More »

Target box office income ng PPP, hindi naabot

PPP Pista ng Pelikulang Pilipino cinema film movie

PAPURI ng critics at ng social media users, walang major effect sa kita ng entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Hindi man natuwa ang critics sa A Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC Santos, ito pa rin ang nanguna sa kita sa takilya sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 (PPP) na nagtapos na officially noong Augus 21 (bagama’t …

Read More »

Anne, pinakamatinong showbiz idol ng 2018

DALAWANG transpormasyon ang magaganap kay Anne Curtis sa taong ito. Actually, naganap na ‘yung isa, ang pagiging “action queen” n’ya. Ibinalik na sa mga sinehan ang Buybust na halos wala siyang ginawa kundi makipagbakbakan nang makipagbakbakan. Tumitipak din naman sa takilya ang pelikula. Ayon sa direktor nitong si Erik Matti, naka-P97-M na ang kita ng pelikula worldwide. Ibinalita ‘yon ni …

Read More »

Makatotohanan ba ang Signal Rock o kathang isip lang?

Christian Bables Signal Rock

WALANG prostitusyon sa pelikula na nagtatampok kay Christian Bables. Walang mga pulis na mangongotong. Walang sindikato. Walang tutol sa gobyerno ni Duterte. Walang minumurang opisyal ng pamahalaan. Walang fans na hibang kina James Reid at Nadine Lustre—dahil ‘di naman nakararating ang TV sa lunan ng istorya. Walang epidemya ng sakit at taggutom. Walang child abuse. Walang battered wives. Walang mga residenteng nanggagambala. Walang mga aktibista …

Read More »

Vice Ganda, ‘di pa nale- let-go si Terence?

HINDI pa ba nale-let go ni Vice Ganda ang basket­bolistang si Terence Romero na matinding natsismis noon na nakarelasyon n’ya? Maraming netizens ang ganoon ang kongklusyon nang mapanood nila si Vice na biglang nag-dialog kay Vhong Navarro sa It’s Showtime ng ABS-CBN 2 noong Huwebes ng tanghali, ”Kumusta presinto?” Noong Miyerkoles kasi ng gabi, naglabasan sa news programs ang pagdadala sa isang presinto kay Terence at ilang mga kaibigan n’ya dahil …

Read More »

Sarah G., may advocacies na sa buhay at career

KAKAIBA pala ang ini-release kamakailan na music video para sa latest single ni Sarah Geronimo, ang Sandata. Hindi tipikal sa mga nakaraang music video ng Pop Princess kahit na “pop” pa rin ang klasipikasyon ng Sandata bilang kanta. Sa music video ng Sandata, parang may advocacies na si Sarah sa buhay at sa career n’ya. Ang tipikal na music video …

Read More »

Paano nakayanan ni Anne ang mga pasa at panganib sa Buybust?

KAHIT parang ang daldal-daldal ni Anne Curtis, hindi pala siya maangal, magaling pala siyang magtago ng mga dusa at pasa na dinanas n’ya sa paggawa ng pelikulang Buybust na idinirehe ni Erik Matti. Ang mga pasa palang ‘yon ang dahilan kung bakit may mga tanghali noon na nagho-host si Anne ng It’s Showtime sa ABS-CBN na para siyang madreng balot …

Read More »

Panganganak at pagpapabinyag, kinompirma ng abogado nina Ellen at John Lloyd

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

TOTOONG nanganak si Ellen Adarna noong June 27. At totoo ring bininyagan ang sanggol ilang araw pagkasilang. Ang mga katotohang ‘yan ay nagmula mismo sa abogado ni Ellen na si Rebo Saguisag, ayon sa report ng ABS-CBN news website. Si Rebo ay abogado ni Ellen na nagtatanggol sa kanya sa demandang child abuse at cybercrimes na may preliminary hearing pa lang sa Prosecutor’s office ng …

Read More »

Christian ‘lumuhod’, umiyak sa pakikipagbati kina Lana at Intalan

BONGGA ang launching ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 sa kom­portableng Sequoia Hotel sa Timog Avenue, QC noong Lunes ng tanghali. At isa sa mga dahilan kaya bongga ito ay dahil pagkatapos na pagkatapos ng grandeng question and answer session, pumunta sa isang sulok sa ground floor ng hotel sina Christian Bables, Jun Lana, at Perci Intalan—at halos lumuhod si Christian sa mag-asawa para …

Read More »

Anne Curtis, namalimos sa eroplano

WALANG takot at bahid ng pagkahiya na namalimos si Anne Curtis ng mga barya. May dala talaga siyang maliit na supot na katsa at lumapit sa mga tao at nanghingi ng mga barya. Pero hindi sa kalye ginawa ni Anne ang panghihingi ng limos. At hindi ‘yon isang eksena sa isang pelikula na kasalukuyan n’yang ginagawa. Sa loob ng isang …

Read More »

John Lloyd, welcome pa rin sa ABS-CBN, ‘di totoong tinanggihan

John Lloyd Cruz

WALANG natatanggap ang Kapamilya network na anumang request mula kay John Lloyd Cruz na bigyan na siya muli ng assignment kaya hindi totoong tinanggihan ng network ang kahilingan niya. ‘Yan ay ayon sa report na lumabas sa mismong news website ng ABS-CBN noong Biyernes (June 29). Naglabas ng statement ang network dahil  mukhang nabwisit ang mga executive sa naglabasang pangangastigo sa kanila sa umano’y pagtanggi ng …

Read More »

IG message ni Jodi, tunog mensahe kay Jolo

HUWEBES, June 28, ng 9:40 a.m., nag-post si Jodi Sta. Maria ng very touching message sa kanyang Instagram na @jodistamaria. Message n’ya ‘yon para sa fans n’ya at para sa madla na rin. Pahayag ng bituin ng Sana Dalawa ang Puso, ”know that you are going to make it. God is arranging things in your favor right now. Let me remind you that He is …

Read More »

Pinsan ni Kris na si China, nabagabag sa ‘pagbabanta’ ng netizen sa anak niya

KUNG ang pinroblema ni Kris Aquino kamakailan ay ang paghahambing ni Mocha Uson sa ama n’yang si Ninoy Aquino kay Pres. Rodrigo Duterte, ang pinsan naman n’yang TV host-chef na si China Cojuangco ay nabagabag nang husto sa masasamang biro ng isang netizen tungkol sa anak n’yang four years old na batang babae. Mistulang pinagbantaan ng netizen na kidnapin at patayin ang bata (na ang ama ay ang pamosong chef …

Read More »

Anak ni Greta, nagpalitrato kasama si Claudine 

MALAPIT na sigurong magkabati, kundi man maging malapit uli sa isa’t isa, ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Ang isang ebidensya ay: nagpalitrato si Claudine sa isang event na kasama ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco. Si Dominique mismo ang  nag-post sa kanyang Instagram [@dominique] kamakailan ng mga litrato nilang magtiyahin. (Si Dominique ay anak ni Gretchen sa live-in partner n’yang bilyonaryo …

Read More »

3 fake websites, ibinalitang patay na si John Lloyd

TATLONG fake na  websites ang naglabas na yumao na si John Lloyd Cruz. Ayon sa Rappler, naglabasan ang fake news stories na ‘yon sa Facebook noong June 9 o June 10. Sa websites na  2018manilatrends.com  at 2018socialclub.com), inireport na yumao ang aktor dahil sa carjacking incident. Sa website naman na 2018recipe.com, inireport na nagpatiwakal si John Lloyd sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng …

Read More »