Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, may compassion sa bashers, kaya na-good karma

PARANG biglang-biglang may bagong endorsement si KC Concepcion. At natanggap n’ya ang trabahong ‘yon sa panahong bina-bash siya ng ilang netizen dahil sa timbang n’ya.

Inilunsad si KC kamakailan bilang kauna-unahang Pinay endorser ng make-up na Shisheido.

Totoong hindi siya slim at ‘pag masama ang anggulo ng kuha ng litrato sa kanya mukha nga  siyang mataba. ‘Di siya balingkinitan.

Minsan, dahil sa kulay, tabas, o kapit sa katawan ng tela ng damit n’ya kaya siya mukhang mataba.

Kamakailan, may netizen pang sinabihan siyang mukha siyang clown.

Ni minsan, wala siyang sinagot ng pabastos na panlalait sa kanya. May ilang pagkakataon na parang iniri-reverse psychology n’ya sila sa pagsasabing “You’re so sweet” o “I hope you’re feeling very pretty now.”

Pahayag ni KC sa media nang inilunsad siya bilang  Shisheido endorser: “Kung anuman ‘yung pwede nilang sabihin para laitin ako, parang okay lang. Siguro sa tinagal ko na rin dito, you can see na mabilis din naman magbago isip nila. Kunwari, ‘Ang taba, ang taba,’ pero ‘pag biglang payat ka, wala rin naman silang masasabi. Nag-iiba naman lahat. There’s always seasons naman.” 

May netizens na sinabihan na siyang “balyena,” “extra large” at “crispy pata” sa social media.

Pero biglang kambyo ng inactive actress tungkol sa pamba-bash sa kanya: “Baka mamaya, kung sino pa ‘yung nilalait mo, ‘yun pa ‘yung tutulong sa ’yo…” 

Patuloy n’ya: “Kasi nangyari na sa ’kin ‘yun. Kasi super basher, super basher and then may nangyari sa kanya, sa ’kin din s’ya lumapit.”

Hindi na n’ya ipinagtapat kung anong tulong ang naibigay n’ya sa tinawag n’yang “super basher” na ‘yon. Naramdaman lang daw n’ya na mas tama na maging compassionate siya sa bashers n’ya.

Dagdag na pahayag n’ya: “Matututuhan mo rin na baka kawawa rin sila, bitter din sila, kaya sila ganoon.”

Ginu-good karma talaga ang mga nilalait na ‘di gumanti sa pamamagitan ng panlalait din.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Cristine Reyes Gio Tiongson

Cristine Reyes kakaririn pagsusulat ng script

MATABILni John Fontanilla MUKHANG balak na ring pasukin ng Viva artist na si Cristine Reyes ang pagsusulat ng script. …

Onemig Bondoc Aiko Melendez Ogie Diaz

Ogie kinompirma Onemig at Aiko mag on na

MA at PAni Rommel Placente NANG tanungin namin si Onemig Bondoc kung sila na ba ni Aiko Melendez, …

Matteo Guidicelli Kim Chiu

Matteo puring-puri pagiging matulungin ni Kim

MA at PAni Rommel Placente PERSONAL na nagpunta sa Cebu City last year ang isa …

EJ Falcon

EJ Falcon balik-showbiz

I-FLEXni Jun Nardo BLESSING in disguise para kay EJ Falcon ang pagkatalo niya bilang congressman sa lugar …

Annette Gozon Ellen Adarna

Annette Gozon inispluk Ellen wala na talagang balak mag-showbiz

I-FLEXni Jun Nardo IKINATUWA ni Ms Annette Gozon Valdez, isa sa top executives ng GMA Network, ang lakas …