Thursday , June 11 2026
Claudine Barretto

Claudine open nang mag-entertain ng suitors

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NO, no, that’s not true. We’re friends, we’re friends,” paglilinaw ni Claudine Barretto sa napabalitang nagkabalikan na sila ng kapatid ni Korina Sanchez na si Milano Sanchez nang makausap namin ito pagkatapos ng Grand Family Day and mediacon ng pelikulang Home Along Da Riles Da Reunion sa Makabagong San Juan National Government Center noong Monday.

Sinabi pa ng Optimum Star na tila whirlwind ang nangyari sa kanila dahil tumagal lang ang kanilang resyon ng isang buwan.

“Alam mo, in all fairness naman sa kanya, I don’t think that’s counted, ‘yung one month.

“I mean, it was really a whirlwind relationship. It was a whirlwind friendship talaga, siguro. And I think we’re really talagang… No, I know, I believe that we’re really hitting it off as friends talaga.”

Paliwanag pa ng aktres tila hindi pa talaga tamang panahon para muli siyang magmahal. “Hindi pa ‘yun ‘yung tamang panahon pala talaga, siguro. And it’s not… Ang layo ng mundo niya sa mundo ko. 

“Mahirap, mahirap talaga. You have to be prepared talaga kapag papasok ‘yung isang relationship. And siguro, ako rin, ang takeaway ko riyan, when you’re vulnerable, don’t fall in love.”

Nang matanong si Claudine kung pwede na ba siyang muling pumasok sa isang relasyon. Sinabi nitong, “Yes, I’m open naman to entertaining suitors. Pero siguro, talaga kung darating, darating. Kung hindi, ayoko nang pilitin.”

Iginiit pa ni Claudine na wala sa love life ang focus niya ngayon.

“Ang focus ko talaga is ‘yung mga ginagawa ko like this movie, and ‘yung mga project na gagawin ko pa.”

Ukol naman sa muling pagpapakasal, sinabi nitong hindi pa pwede dahil hindi pa siya annulled kay Raymart Santiago na ikinasal siya noong May 2004. Naghiwalay naman sila noong May 2013.

Samantala, naging emosyonal naman si Claudine sa mediacon ng Home Along Da Riles Da Renion dahil napaka-espesyal talaga para sa kanya ng sitcom. Isa si Claudine sa mainstays with the late Comedy King Dolphy.

Aniya, ibang klase ang kanilang naging samahan ng buong cast na kahit nawala na ito sa ere at nawala na rin si Mang Dolphy ay patuloy pa rin ang kanilang communication.

Dagdag pa ni Claudine, hindi lang katrabaho kundi kapamilya na ang turing niya sa mga co-star sa hit sitcom kaya naman naging madali para sa kanya ang mapapayag sa reunion movie.

Naging kaagapay din niya ang mga ito sa mga pinagdaraanan niya sa buhay. Aniya, “I wouldn’t be able to be where I am right now or to have gone through everything na pinagdaanan ko kung wala ‘yung pamilya ko.

Proud din si Claudine para kay Boy2  na siyang nagdirehe ng pelikula. 

Mapapanood na sa June 17 ang Home Along Da Riles Da Reunion na kasama rin dito ang mga original cast na sina Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph, Sherilyn Reyes, Maybelyn dela Cruz, Smokey Manaloto, Sherilyn Tan, Cita Astals, Dang Cruz, Sunog Baga Boys at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Yasmien Kurdi

Yasmien natapos 1st semester sa Law

MATABILni John Fontanilla MASAYANG nag-celebrate si Yasmien Kurdi sa pagkompleto ng kanyang first year sa law school. …

Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABILni John Fontanilla SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …

Taking Care of Our Own, SPEEd Cares

Mga senior, retiradong manunulat, at editors emosyonal sa SPEEd Cares 2026

MATAGUMPAY na naisagawa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang outreach-fellowship program noong Mayo 30 bilang …

Zhang Yingfei Linda Walker

Chinese actress Zhang Yingfei o Linda Walker nakiramay sa mga biktima ng lindol

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAABOT ng Chinese actress na si Zhang Yingfei o mas kilala sa pagganap …