SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SOBRA-SOBRA ang papasalamat ni Kiko Estrada na dumating ang proyektong Lumuhod Ka Sa Lupa na napapanood sa TV5 at may apat na linggo na lamang mapapanood kaya asahan ang mas matitinding laban at emosyonal na paghaharap na ikagugulat ng mga manonood.
Pagtatapat ni Kiko, nawalan na siya ng ganang umarte subalit nabuhayan siya nang i-offer na pagbidahan ang Lumuhod Ka sa Lupa na obra ni Carlo J Caparas.
“First time I was given a lead project in 12 years. Inilagay ko lahat ng eggs ko sa isang basket.
“I focused, nag-aral ako paano maging magaling na artista,” pagtatapat ni Kiko sa mediacon ng naturang serye noong Miyerkoles sa TV5 Media Center.
Kaya naman ani Kiko, “Gusto kong magpasalamat una sa Diyos, sa team, sa pamilya ko, kay Boss Vic del Rosario, my tv bosses, Sir Guido (Zaballero).
“I just wanna say thank you to my producers, to my directors, to my castmates, maraming salamat.”
Pahayag pa ni Kiko na ibigay niya ang lahat-lahat para sa serye. “I put my best food forward and tried ot deliver my version at nagpapasalamat ako na binigyan ako ng pagkakataon at pinaghirapan ko iyon.”
Magwawakas na nga ang hit action-drama series ng TV5 na ginagampanan ni Kiko ang karakter ni Norman Dela Cruz, isang anak na uhaw sa hustisya at hindi titigil hangga’t hindi napananagot ang may sala. Mortal na kalaban niya si Benito Balmores, ang kasuklam-suklam na karakter na ginagampanan ng batikang aktor na si Gardo Versoza. Kasama rin sa powerhouse cast sina Rhen Escaño, Sid Lucero, Ryza Cenon, at Althea Ruedas.
Matindi ang pagganap ni Kiko sa serye kaya nabibilang na siya sa hanay ng mga magagaling na action stars sa industriya.
Sa nalalapit na huling yugto ng action series, isang tanong ang bumabagabag sa lahat: Makakamit ba ni Norman ang hustisyang matagal niyang hinahanap? Magagawa ba niyang buuin ang pamilyang matagal niyang pinangarap?
“We are incredibly proud of howLumuhod Ka Sa Lupa has become one of TV5’s standout original drama offerings. This wouldn’t have been possible without our talented cast, the creative minds at Sari-Sari, as well as the sustained support of every Kapatid here and abroad,” ani TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.
Kaya huwag palampasin ang huling laban ng galit, pag-ibig, at paghihiganti saLumuhod Ka Sa Lupa! Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:15 p.m. sa TV5’s #TodoMaxPrimetimeSingko, pagkatapos ng Frontline Pilipinas, at may catch-up replay ng 8:00 PM sa Sari-Sari Channel.