Thursday , September 29 2022
Antipolo Rizal PNP police

2 patay, 1 kritikal, sa shabu masaker

ILEGAL NA DROGA ang sinisilip na dahilan sa insidente ng karahasan na nagresulta sa kamatayan ng dalawa katao, habang isa ang kritikal at isa ang sugatan, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Lunes ng gabi, 22 Agosto.

Sa ulat ng Antipolo CPS kay PRO4A PNP Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., kinilala ang mga napaslang na sina John Albert Padasay at Francis Labutan, kapwa may tama ng bala ng baril sa ulo at duguang natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng isang bakanteng paupahang bahay sa Lantion Compound, Road 28, Brgy.  Bagong Nayon, sa lungsod.

Samantala, sugatan ang biktimang kinilalang si Evangeline de Jesus, tinamaan ng ligaw na bala habang hinahabol at binabaril ng hindi kilalang suspek ang ikatlong biktima na tinamaan din sa ulo at nasa kritikal na kondisyon sa Antipolo District Hospital.

Ayon sa pulisya, 1:20 am nitong Martes, 23 Agosto, nang makatanggap sila ng tawag na dakong 11:30 pm kamakalawa nang pinagbabaril ng suspek ang tatlong biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dati nang naaresto sa buy bust operation ang napatay na si Padasay, at bukod sa nagkalat na drug paraphernalia sa loob ng bahay, sinabi ng ilang kapitbahay sa mga pulis na ginagawang puwestohan ng pot session ang lugar.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya at kinakalap ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Arrest Posas Handcuff

Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong …

shabu drug arrest

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …