Wednesday , October 20 2021
Dimples Romana
Dimples Romana

Pagpapa-aral ni Dimples sa anak sa ibang bansa tinuligsa  

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

TALK of the town ang pagiging very emotional ni Dimples Romana sa civil wedding ng best friend n’yang si Angel Locsin at ang ilang taon na rin naman nitong naging boyfriend na si Neil Arce

Nag-iiyak sa tuwa si Dimples na natuloy na rin ang ilang beses nang nabalam na kasal ng dalawa. Wala na silang kawala sa isa’t isa! 

Pero para sa ilang masusugid na tagasubaybay ng showbiz, ang talk of the town nila ay ang pagbabando ni Dimples na papuntang Australia na ang anak n’yang babae (na panganay nila ng mister n’ya) para mag-aral ng pagiging piloto roon. 

Pinagtatalunan nila kung kahanga-hanga ang pamamarali na iyon ni Dimples sa Instagram n’ya kamakailan o isang kahangalan. 

Ilang araw lang kasi bago mag-ECQ sa bansa noong ibando ni Dimples na mag-aaral ng Aviation ang anak n’ya sa ibang bansa. Ang higit na paghihikahos na idudulot ng hard lockdown sa bansa ang pinag-uusapan nang matindi ng madla noong panahon na ‘yon (at sa panahon ding ito). 

Kung makakapagpa-aral pa sa ibang bansa si Dimples at ang mister n’ya at sa isang kurso pa man din na napakagastos, ibig sabihin daw niyon ay napa­karaming ipon ng mag-asawa. Kahanga-hanga raw ‘yon. 

Pero malaking kahangalan na ibando ‘yon sa panahong maraming Pinoy na maaaring nagme-mental breakdown na sa pag-aalala kung paano mabubuhay ang pamilya nila sa panahon ng hard lockdown na mababawasan pa ang bilang ng araw na makakapagtrabaho sila at masusuwelduhan. 

Sana raw ay hindi na muna ibinando ni Dimples ang napakapalad na buhay nila na makakapagpa-aral pa ng anak sa ibang bansa gayung milyong Pinoy ang naghihintay at umaasang may ayudang darating sa kanila. 

Pero may mga nagsususpetsang nagpapaka-Daniela pa rin si Dimples ngayon. Feeling n’ya ay uso pa rin ang hambog at mataray na character n’ya sa Kadenang Ginto na maaaring limot na nga ng madla. 

Wala namang nagsasabing walang karapatan si Dimples at ang mister n’ya na magpa-aral ng anak nila sa ibang bansa kahit na sa panahong ito ng paghihikahos ng madla. Perang kinita nilang mag-asawa sa mga pribadong negosyo at trabaho ang gagamitin nila sa pagpapa-aral sa anak nila. Pero sana raw ay hindi na muna nila ipinamarali sa panahong ito. 

About Danny Vibas

Check Also

Blind Item, Male Celebrity

Frustrated male new comer no pansin na sa gays kahit mababa ang presyo

FRUSTRATED actor, singer, at commercial model siya, na talagang pinangarap niya pero hindi naman niya naabot …

Jace Flores

JACE FLORES ITINANGGI NG GMA, ‘DI KONEKTADO SA NETWORK

HATAWANni Ed de Leon NAGPALABAS na ng isang official statement ang GMA Network, na si Reynaldo Flores, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco, Michael Hearn

GRETCHEN MALUNGKOT NA EXCITED SA KASAL NG ANAK

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Gretchen Barretto na hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon …

Blind Item gay sex

AKTOR WALANG TAKOT MAKIPAG-SEX BASTA MAY BAYAD

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Leave a Reply