Thursday , February 9 2023
Angel Locsin, Francisco Duque, Isko Moreno
Angel Locsin, Francisco Duque, Isko Moreno

Yorme, Angel ipinananawagan: Duque resign

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NABABASA kaya ni Health Secretary Francisco Duque ang panawagan sa kanya ng netizens na magbitiw na sa kanyang tungkulin dahil pataas ng pataas ang kaso ng COVID 19?

Maging ang ilang senador ay sinabihan na rin siyang bumaba na sa puwesto pero walang nangyari dahil hindi naman siya tinatanggal ni Presidente Rodrigo R. Duterte.

Kamakailan ay sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na marami na ang nangamatay dahil sa kakulangan ng gamot at hindi na siya nakapagpigil at nakapagsalita siya kay Sec. Duque.

“Pinipigilan ko ang damdamin ko kasi ayaw ko ng away. Kasi ang away walang mabuting idudulot pero ang hirap kausap ng bingi.

“Wala kasi silang idea, sila namumuhay sa Disneyland hindi na sa reality, nangangamatay ang tao, Brod (Sec. Duque)!” ito ang sabi ni Yorme Isko dahil sa kakulangan ng gamot na Remdesivir at Tocilizumab.

At dito na hiniling ni Mayor Isko na sana tanggalin na ni PRRD ang mga taong walang malasakit sa kapwa.

“Gusto ninyo lumuhod pa ako, Mr. President (Rodrigo Duterte) nanaNAwagan ako na tanggalin ninyo ang mga taong walang malasakit sa kapwa niya,” saad nito.

Isa rin si Angel Locsin sa nanawagan na kailangan ng lisanin na ni Duque ang puwesto niya.

“I think it’s really timely. Kailangan ng peace of mind ng mga tao. I’m going to answer that not because inaakusahan ko ‘yung tao. Walang ganoon. 

Magiging objective lang tayo. Kasi ako rin naman naakusahan publicly na without going through due process. So, hindi magandang pakiramdam ‘yun,” bungad paliwanag ni ‘Gel sa panayam niya kay Boy Abunda.

Hypothetical question ang ibinato kay Angel sakaling siya ang presidente ng Pilipinas kung tatanggalin ba niya si Duque?

“Kung magiging objective lang tayo rito, walang kung ano man ‘yung nararamdaman ko, nararamdaman niyo, tanggalin niyo. 

“Kung ano lang ‘yung kailangan natin I would say kung ako ‘yung presidente ng Pilipinas, yes I will fire Secretary Duque.

“Not because naniniwala ako he is corrupt. Wala po sa ganoon, but because ‘yung pag-e-explain lang sa mga tao na rito napunta ‘yung tax natin na binabayaran.

“I think kakain na ‘yun ng oras. Isa sa mga magandang ibigay sana ng gobyerno natin ngayon eh ‘yung peace of mind ng mga tao. At hope na bukas paggising natin may magandang mangyayari.  

“So, para gawin ‘yun, kakain ng napakaraming oras para ma-explain ‘yung sarili niya. Sino ngayon ang tututok sa pandemic response na kailangan din nating tutukan. Because ito rin ‘yung number one kalaban natin, di ba?” paliwanag mabuti ni Mrs. Neil Arce.

Pero gusto rin niyang bigyan ng tsansa na linisin ng kalihim ang pangalan niya.

“So kawawa naman siya masyado kung sabay niyang tututukan. So ‘yun ang nasa isip ko lang. That’s my opinion. Para ma-pacify ang mga tao, bigyan ng time ‘to para masagot. Bigyan ‘to ng proper evidence, facts, clear niya ‘yung pangalan niya. Ito naman may magpapatakbo to pacify the health workers na pagod na pagod din ngayon,” say pa nito.

About Reggee Bonoan

Check Also

Ernest Beaver Magtalas Mutya Orquia

Ernest Beaver wish makatrabaho si Mutya

RATED Rni Rommel Gonzales Ang Roommate ay kasalukuyang napapanood via online streaming tuwing Sabado na  bida sina John Heindrick …

Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine nawala ang ‘trust’ kay Macky kaya naghiwalay

MA at PAni Rommel Placente FINALLY ay nagsalita na rin si Sunshine Cruz ukol sa naging hiwalayan …

Gary Valenciano Coco Martin FPJ Batang Quiapo

Kapalaran ni Gary V umakma sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco

MA at PAni Rommel Placente BALIK-PRIMETIME ang award-winning actor na si Coco Martin via FPJ’s Batang Quiapo.  Sa …

Lala Sotto MTRCB ISO 9001 2015

MTRCB ISO 9001:2015 certified na

IGINAWAD sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang International Organization for Standardization Certification o …

Love Añover LOVE and EVERYTHING

Love Anover magsasabog ng pagmamahal sa LOVE and EVERYTHAAANG!  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DADALHIN ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng …

Leave a Reply