Thursday , February 9 2023
Kylie Verzosa, Bekis on the Run
Kylie Verzosa, Bekis on the Run

Kylie pabor sa pagkansela ng Miss International

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

POSITIBO si Kylie Verzosa na hindi mawawala ang essence ng Miss International kahit dalawang beses nang nakansela ito. Pabor din siyang sipagpaliban ang pageant sa taong ito.

Aniya sa virtual media conference ng Bekis on the Run na handog ng Viva Films at mapapanood na sa September 17, ”I don’t think it will ever. Pero I really know they try their best to establish themselves as one of the oldest pageants in the country, and patuloy ko pa rin naman inire-represent ‘yung Miss International. 

“And happy ako na ‘yung highest crown ng Binibining Pilipinas is still Miss International so it’s something still to be proud of.”

Dalawang taong ng hindi nagagawa ang Miss International pageant dahil sa Covid-19 pandemic.

Ayon sa pahayag ni Chair Akemi Shimomura ng International Cultural Association”We would like to express our deepest regret especially to the participants from all over the world and to all those who have been supporting our event every year.

“We humbly ask for your understanding in light of this unusual circumstance which is beyond our control.”  

Reaksiyon ni Kylie sa pahayag na ito, ”Sobra-sobra ‘yung mga effort na ginawa nila pero, unfortunately, ‘yung Japan government ‘yung hindi pumayag for the pageant itself. 

“So medyo restricted tayo roon, pero siyempre, it’s still the safety of the girls na kino-consider. ‘Yung Japan government na ‘yung may say dito.”

Samantala, isang comedy-drama ang Bekis On The Run atkasama rin dito sina Diego LoyzagaChristian BablesSean de Guzman at idinirehe ni Joel Lamangan, na exclusive mapapanood sa Vivamax.

Bukod sa pagiging comedy-drama ng pelikula, ang Bekis On The Run  uko din sa korupsiyon, at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ernest Beaver Magtalas Mutya Orquia

Ernest Beaver wish makatrabaho si Mutya

RATED Rni Rommel Gonzales Ang Roommate ay kasalukuyang napapanood via online streaming tuwing Sabado na  bida sina John Heindrick …

Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine nawala ang ‘trust’ kay Macky kaya naghiwalay

MA at PAni Rommel Placente FINALLY ay nagsalita na rin si Sunshine Cruz ukol sa naging hiwalayan …

Gary Valenciano Coco Martin FPJ Batang Quiapo

Kapalaran ni Gary V umakma sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco

MA at PAni Rommel Placente BALIK-PRIMETIME ang award-winning actor na si Coco Martin via FPJ’s Batang Quiapo.  Sa …

Lala Sotto MTRCB ISO 9001 2015

MTRCB ISO 9001:2015 certified na

IGINAWAD sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang International Organization for Standardization Certification o …

Love Añover LOVE and EVERYTHING

Love Anover magsasabog ng pagmamahal sa LOVE and EVERYTHAAANG!  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DADALHIN ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng …

Leave a Reply