Tuesday , October 26 2021
Panfilo Lacson, Tito Sotto, Joey de Leon
Panfilo Lacson, Tito Sotto, Joey de Leon

Lacson-Sotto tandem, two [too] good — Joey de Leon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBA talagang magbitiw ng linya ang Eat Bulaga Dabarkads na si Joey de Leon. Kahit kasi sa campaign launch ng Panfilo Lacson-Tito Sotto tandem noong nakaraang linggo, may malamang linya siyang binitiwan.

September 8 isinagawa ang campaign launch ng Ping-Sotto Tandem kaya naman may mga nagtatanong kung pina-feng shui ito ng dalawang senador. Alam naman ng marami na itinuturing na lucky number ang 8.

Mukhang napaganda nga ang pag-postpone nila sa unang petsa na napili sana nila ng campaign lunch ng kanilang presidential and vice presidential tandem na August 4, na bukod sa “ghost month,” hindi rin malakas sa feng shui ang 4.

Pero kinansela noon nina Ping at Tito ang August 4 launch hindi dahil sa feng shui kundi dahil sa dumaraming kaso noon ng COVID-19 dahil sa Delta variant. Bukod doon ay ilalagay sa lockdown ang Metro Manila noong August 6.

At nang matuloy ang campaign launch noong Sept. 8, marami ang bumilib sa mga tinuran nina Lacson at Sotto na direct to point ang kanilang mensahe at walang halong entertainment. 

Gustong patunayan nina Ping at Tito na they mean business at walang kengkoyan.

Marami rin ang nakapansin sa mensahe ni Joey de Leon tungkol sa husay ng minamanok niyang presidente at bise presidente.

Anang Henyo master,”Pagkakakilala ko kay Tito, para sa aming grupo isang magaling na lider o pinuno. ‘Yan ang huwaran namin pagdating sa kamag- anak o sa pamilya. Basta alam ko magaling si Tito, gayundin si Ping. Kaya one good plus one good eh ‘two/too’ good. Masyadong magaling.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Ara Mina, Dave Almarinez

Ara suportado ang asawang si Dave Almarinez

I-FLEXni Jun Nardo ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone …

Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine freelance, pwede magtrabaho saan mang network

HARD TALK!ni Pilar Mateo ANG tagal nang hindi muna binubuksan ni Sunshine Cruz ang kanyang Messenger …

Heto Na Naman, Christi Fider

Christi Fider winner sa hugot song

HARD TALK!ni Pilar Mateo ITONG si Christi Fider na recording artist ng Ivory Music, ang sipag alagaan ang …

Blind Item, Men

Male starlet pinagpasasaan ng sakrekwang kalalakihan

NAGULAT kami roon sa nakita namin sa aming newsfeed noong isang araw sa isang social media …

Leave a Reply