Thursday , October 3 2024

Cha-cha aprub na

SA gitna nang agam-agam na nag­ba­balak ang mga halal na opisyal na palawigin ang kanilang mga termino, ipinasa kahapon ang panukalang pagbalasa sa Saligang Batas.

Ang makikinabang dito ay mga kongre­sista at mga lokal na opisyal.

Tatlo lamang ang nag-abstain sa botohan na nagresulta sa 224 apir­matibo at 22 kontrang boto sa Resolution of Both Houses No.15.

Pina­nga­ngam­bahan na hindi ito ipapasa ng Senado.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, sa pag­paliwanag ng kani­yang boto, wala naman dahilan na amiyendahan ang Saligang Batas.

Ayon kay dating Speaker  Pantaleon Alva­rez, ang botohan ng Sena­do at Kamara ay pag-iisahin at hindi na ka­ilangan ang Senado sa botohan kung ayaw nila rito.

Aniya, walang sinabi ang Saligang Batas kung paano bomoto rito basta ang kinakailangan ay ¾ positibong boto para maipasa ang panukala.

Sa draft constitution ng Kamara, ang pre­si­dente at bise presidente ay pagbobotohan ng taong-bayan at magsisilbi sa loob ng apat na taon at maaaring tumakbo ulit sa susunod na eleksiyon.

ni Gerry Baldo

 

About Gerry Baldo

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Solar installer tiklo sa baril, bala at droga

SA isang pre-dawn operation bandang alas-5:30 ng madaling araw kahapon, Oktubre 3, 2023, matagumpay na …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

PBGen Maranan gumanap na sa bagong tungkulin bilang PRO3 chief

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. at malugod na inilipat …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

Mark Leviste Vilma Santos

Vilmanians susuportahan pagtakbong gobernador ni Ate Vi; VG Mark umatras

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INAABANGAN ng marami ang pag-file ng certificate of candidacy ng mag-iinang Vilma …

Vilma Santos Luis Manzano Ryan Christian Recto

Ate Vi, Luis, at Ryan kompirmado tatakbo sa Batangas

MA at PAni Rommel Placente SA radio show nina Cristy Fermin at Romel Chica, kinompirma na tatakbo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *