Friday , June 2 2023

BBL uunahin ng Senado kaysa Cha-cha — Sen. Aquino

KOMPIYANSA si Senador Bam Aquino na makapapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Senado sa Marso, idiniing makatutulong ito upang wakasan ang karahasan at terorismo sa Mindanao at mabigyan ng maganda at maunlad na buhay ang mga Muslim.

“Uunahin na natin ang pagpasa sa BBL. We need this law in order to address urgent and pres-sing issues in the Bangsamoro region. A number of senators have agreed to pass this by March, even ahead of any Cha-cha,” wika ni Aquino, idinagdag na baka mauna pang maipasa ang BBL sa Senado kaysa Kamara.

“Nagkakasundo rin ang mga lider sa Mindanao na ang pagsasabatas ng BBL ay isang solusyon para maibsan ang karahasan at pag-aaway sa Bangsamoro areas,” dagdag ni Aquino, isa sa anim senador na bumisita kamakailan sa Marawi City upang magsagawa ng konsultasyon at dialogo ukol sa BBL.

Bukod kay Aquino, lumahok din sa konsultasyon sina Senators Cynthia Villar, JV Ejercito, Migz Zubiri, Sonny Angara at Risa Hontiveros.

Binisita nila ang ground zero, ang malaking bahagi ng siyudad na nawasak sa bakbakan at pagpapasabog.

Ipinunto ng Senador, nagkakaisa ang Senado, mula sa mayorya hanggang sa minorya, na kailangan ang BBL upang matapos ang karahasan at mapabilis ang pag-unlad ng rehiyon sa pamamagitan ng awtonomiya.

“Huwag natin ipantapat ang karahasan sa terorismo. Kapayapaan at kasaganaan ang ating ipantatapat dito sa pama-magitan ng BBL,” wika ni Aquino, tinutukoy ang Marawi siege na na inilunsad ng mga miyembro ng Maute group noong nakaraang taon.

Inihain ni Aquino ang Senate Bill No. 1661, nagsusulong sa pagpasa sa BBL. Bago binuo ang nasabing panukala, kinonsulta ni Aquino ang ilang sektor, kabilang ang Bangsamoro Transition Commission (BBL), u­pang maiakma sa kasaluku-yang pangangailangan sa rehiyon. 

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *