Saturday , July 27 2024

Braso ng piloto bali, solon, sec-gen sugatan (Helicopter bumagsak sa bangin)

ISANG mambabatas ang sugatan habang nabalian ng braso ang isang piloto at maraming iba pa ang nagalusan makaraan mag-crash landing sa bangin ang sinasakyang helicopter sa bayang ito, nitong Huwebes.

Nagalusan si COOP-NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo, ayon sa paunang ulat mula sa kaniyang chief of staff na si Rene Buendia.

Nasugatan sa ulo at nabalian ng braso ang piloto ng helicopter, ayon kay Buendia.

Ang nag-crash ay isang Sokol helicopter ng Philippine Air Force (PAF), ayon sa Philip­pine National Police Region 3.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga sugatan, ayon kay Major Aristides Galang Jr., tagapagsalita ng PAF.

Napag-alaman, uma­lis ang nasabing heli­copter, dakong 1:35 ng hapon sakay ang apat crew at walong pasahero.

Ang mga pasahero ay kalahok sa isang “legis­lative stakeholder engage­ment activity” sa lugar, ayon sa militar.

Sinabi ni Cesar Pareja, dating secretary-general ng House of Repre­sen­tatives, isa sa mga pasa­hero, nasa maayos na siyang kalagayan. Siya, si Bravo at iba pang mga kasama ay nagkaroon ng mga galos.

“Thanks for your prayers. The pilot suf­fered head injuries and the crew has a broken arm. I have minor scratches along with most of the passengers. The helicopter crashed just as we were about to land in Crow Valley,” ani Pareja.

Kasama nina Bravo at Pareja sina Baltazar Re­yes, isang Col. Arthur Baybayan, Daisy de Lima, Romeo V. Almon­te,  1st Lt. Melvin Betia, at Edilberto Mandap.

Ayon sa staff ni Sen. Ralph Recto na nasa isang helicopter, “safe” ang lahat ng sakay ng nag-crash na chopper.

Ang mga mamba­batas ay inimbitahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang Training and Doctrine Command (TRADOC) sa Camp Ernesto Ravina Air Base sa nasabing lugar.

Si Recto, isang reser­vist, ang nakakuha ng la­ra­wan sa nasabing crash.

Hindi pa batid ang sanhi ng “air mishap” ayon kay Galang, ngunit sinimulan na ng militar ang imbestigasyon sa insidente.

Bagama’t hindi ipi­nag­bawal ng Air Force ang paglipad ng iba pang Sokol helicopter, pansa­mantala munang inaabiso ang pagpapaliban ng biyahe ng mga kagayang helicopter habang ini­imbestigahan ang insi­dente.

 

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Dolomite Beach Manila Bay Reclamation

Pagbaha sa Pasay hindi dahil sa reclamation sa Manila Bay — eksperto

TAHASANG pinasubalian ng isang eksperto na hindi reklamasyon sa Manila Bay ang direktang dahilan ng …

Pasay Baha Ulan Carina basura

Tone-toneladang basura sinisi ng LGU sa baradong  drainage system at baha

SINISI ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang tambak-tambak na basurang nakabara sa mga daluyan ng …

BBM Bongbong Marcos Nicanor Briones

Kongresista desmayado  
SONA ni BBM walang binanggit sa anti-agri economic sabotage

NAKULANGAN si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa katatapos na ikatlong State of the Nation …

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

CEBU CITY, Philippines – The Visayas leg of the Department of Science and Technology’s (DOST) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *