Sunday , December 5 2021
Irene Villamor Nadine Lustre

Direk Irene, pinangaralan ang basher ni Nadine

TATAHI-TAHIMIK lang si Carlo Aquino kung ano ang next project n’ya pagkatapos ng napakamatagumpay sa takilya na Exes Baggage nila ni Angelica Panganiban, ‘yun pala ay abalang-abala na siya sa shooting bilang leading man sa latest film project nila ni Nadine Lustre, ang  Ulan, sa direksiyon ni  Irene Villamor.

Naka-12 araw na pala sila ng syuting. Si Villamor ay ang nagdirehe ng  Sid & Aya (Not a Love Story) na naging matagumpay sa takilya sa kabila nang parang ‘di gaanong pagkaka-promote nito. Sina Anne Curtis at Dingdong Dantes ang mga bida sa pelikulang ‘yon.

Pero ngayon pa lang ay kontrobersiyal na ang pagtatambal nina Nadine at Carlo for the first time. May isang netizen na tinawag na “Flop Queen” si Nadine kaya biglang itinambal kay Carlo para madamay sa  suwerte ng ex ni Angelica.

Itinuturing ng nagtaray-tarayang netizen na “flop” ang P92-M na kinita sa Pilipinas ng Never Not I Love You nina Nadine at James Reid.

Ang orihinal na leading man ni Nadine sa Ulan ay si Xian Lim, ayon sa announcement noong June 2018 ng Viva Films na producer ng pelikula. Pero ‘di itinuturing na box office star ang boyfriend ni Kim Chiu.

Samantala, P300-M na nga ang kinita ng Exes Baggage, na idinirehe ni Dan Villegas.

Ang direktor ng Ulan ang sumagot sa Instagram sa panlalait kay Nadine.

Pangaral ni Direk sa basher ni Nadine, “The world is already full of hate that any ill wish to anyone should be treated back with kindness, with an understanding of the soul and not with apathy to the human condition. 

“Spread love, my dear. Let us not add to the drudgery. And that is for everyone too. I thank you. My first response and last.”

Parang next year pa naman ipalalabas ang Ulan na magtatampok din kina Marco Gumabao at AJ Muhlach.

Tungkol sa tatlong klase ng romantic love ang Ulan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Eric Santos Angeline Quinto

Angeline Quinto buntis nga ba?

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI kaagad nakasagot si Eric Santos nang tanungin siya ni Nay Cristy Fermin kung buntis …

Leave a Reply