Saturday , July 27 2024
Aubrey Caraan, Marco Gallo
Aubrey Caraan, Marco Gallo

Aubrey Caraan 10 taong naghintay para magbida

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGBUNGA rin ang pagtitiyaga at sampung taong paghihintay ni Aubrey Caraan dahil magbibida na siya sa pinakabagong pelikula ng Viva Films, ang Manananggal na Nahahati ang Puso na mapapanood na sa October 10 kasama sina Marco Gallo at ang Beks Batallion.

Kaya naman sobra-sobra ang pasassalamat niya sa Viva dahil binigyan siya ng lead role sa Manananggal na hindi basta role dahil intended sana ang pelikula kina James Reid at Nadine Lustre. Pero mas na-feel ni Direk Darryl Yap na mas bagay sa kanila ang role kaya sa kanila ibinigay ang pelikula.

Galing ng ABS-CBN si Aubrey na 10 taong gulang pa lang nang sumali  sa ABS-CBN Pinoy Dream Academy: Little Dreamers pero pagkatapos ng dalawang taon ay lumipat na ng Viva Artist Agency.


Marami ng supporting roles na naibigay kay Aubrey sa Viva TV series na napapanood sa Sari Sari channel at naging miyembro ng girl group na Pop Girls.

Aubrey Caraan

Ani Aubrey ang Manananggal… ang big break na ibinigay sa kanya ng Viva. “Ito na po ‘yung time na big break na hinihintay ko. So thankful po ako sa bosses ko sa Viva, of course kay Direk Darryl (Yap) para po ibigay sa akin ang karakter ni Giniper,” sambit niya sa isinagawang virtual media conference.

Tubong Batangas si Aubrey at nagtapos ng Communication Arts sa De La Salle Lipa. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang mag-artista.

Hindi itinago ni Aubrey na nainip din siya sa takbo ng kanyang career.

Aubrey Caraan, Marco Gallo, Manananggal na Nahahati ang Puso

“Naisip ko kung kailan naman po ako bibigyan tapos isang araw tumawag po sila sa akin sinabi nga po na ako na ang magli-lead dito sa ‘Mananggal na Nahahati ang Puso’ sobrang unexpected.

“Sobrang saya ng puso ko talaga dahil ito na ‘yung matagal ko ng hinihintay. And sa singing career naman po, pinagsasabay ko po kasi hindi naman nawala ‘yun dahil before naman ay naging part ako ng girl group tapos nang ma-disband po, nagsolo na ako at nakapag-release na po ako ng song,” ani Aubrey.

Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ay mapapanood sa Oktubre 1,  sa Vivamax Pilipinas bukod pa sa Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *