Friday , October 22 2021

Budget ni Mocha nais isalang ng solon sa Kamara

BUBUSISIIN ng Kama­ra ang budget ng Pre­sidential Commu­nica­tions and Operations Office (PCOO) imbes ibigay ang hiling nito na dagdagan ang pondo nila.

Ayon kay House Deputy Speaker Rep. Fredenil Castro ng Capiz ipina-defer nila ang pagdinig sa budget ng PCOO dahil hindi na­man nito nagagastos nang maayos ang kani­lang pondo.

“Kasi ‘yung absorp­tive capacity ang pag-uusapan ay nakikita na­man natin na medyo bagsak din ito,” ani Cas­tro.

Marami, aniyang, issue kaya pinababalik ang PCOO na kasama si Asec. Mocha Uson.

Ayon kay Castro ma­raming issue sa kanya, simula pa noong 2016 marami nang kapalpakan at mukhang nagpapa­tuloy itong kapalpakan hanggang ngayon.

“Hindi natin mapa­lalagpas dahil ginagamit ang pondo ng mga ma­ma­mayan, alam naman natin kung gaano kahirap kitain ng mamamayan ang kanilang suweldo at ipambabayad pa sa mga tax tapos ibibigay natin sa mga inefficient,” giit ni Castro.

Sa 13 Oktubre, sa pagbalik ng PCOO, “tata­nungin ko siya roon sa ilang issues katulad ng ‘pepe-dede’ ‘yung nakita kong parang may korup­siyon doon sa ASEAN.

Ang isyu tungkol sa pambabastos sa mga deaf mute ay tatalakayin din sa pagdinig.

“Dati akong guro ng SPED at hindi katang­gap-tanggap sa akin ‘yung pambabastos niya sa mga deaf and mute community at hindi ko ito mapap­a-lagpas hang­­ga’t hindi siya talagang mag-ano… ha­ra­pin niya ang mga kongresista, harapin niya ang mga repre­sen­tante ng mga mama­mayan kung worth nga ba siya na maging Asec o dapat na mag-resign na rin siya,” pahayag ni Castro.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

6K paniki nasabat sa 4 lalaki (Sa San Miguel, Bulacan)

Sa San Miguel, Bulacan
6K PANIKI NASABAT SA 4 LALAKI

INARESTO ng pulisya ang apat na lalaking nahulihan ng mahigit 6,000 wrinkle-lipped bats o paniki …

Leave a Reply